Chapter 21

19 8 0
                                    

Love or Money

[21] Palengke





Ken's POV

"I'm done." Sabi ni kyle sabay abot sa'kin ang pinagkainan nito.

Kaso lang hindi sa direksyon ko, kun'di sa kanan niya. Naiinis akong tumayo at kinuha ito. Lalagpasan kona sana siya ng may inabot siya sa'kin na sobre. Nagtataka ko 'tong tinignan bago ibalik ang tingin sa kanya.

"A-ah ano 'to?" Tanong ko sabay turo sa hawak niyang sobre.

"It's nothing, gusto ko lang ipatapon sayo sa basura." Halatang sarkastiko ang pagkakasabi niya.

"Sige walang problema--" kukunin kona sana ng bigla niya itong ilayo.

"Stupid," inis niyang bulong. "Of course it's for you."

Lumaki ang dalawa kong mata sa sinabi niya. "A-ano? Para sa'kin?"

"Kailangan pa bang ulitin? Para sa'yo 'to." Halatang naiinis na siya.

"Pero b-bakit? May sweldo na ba ngayon?"

Napahawak na siya sa sintido nito. "You said you needed a money. At he'to, binibigay kona." Sabay abot sa'kin ng sobre.

"Teka, san mo naman nakuha 'yang mga pinagsasabi mo? Anong money ka dyan--" Napatawa na ako.

"That's what I heard from you," seryoso niyang sabi. "I don't know kung baliw ka kagabi or what, but 'yun ang narinig ko. Kailangan mo ng pera. Right?"

Napatigil ako sa sinabi nito. T-teka paano niya nalaman? Naalala ko tuloy 'yun text sa'kin ni zohan kagabi.

*FLASHBACK.....*

Naiinis kong binalik ang cp ko sa bulsa at agad na pinuntahan 'yun animal kong alaga. Hinanap ng paningin ko si--

"What are you doing?"

Nagugulat akong humarap dito. Akala ko 'yun multo na kanina. Kunot ang noo niyang nakatingin sa kung saan direksyon.

"S-sir, kayo pala." Nakangiti kong sabi kahit nababadtrip na ako.

Gabi na bakit nandito pa 'to?

"Nabobored ako," walang gana niyang sabi sabay tingin sa malayo. "Let's go that way."

Nagugulat akong tumingin sa tinuro nito. Sa pool? Gusto niyang pumunta kami sa pool?!

"On second thought.... 'wag na pala. Dito nalang tayo." Ani niya sabay upo sa sahig.

"Sir madumi--" nakita kong nakatiles pala 'to kaya... "Ok lang pala."

Umupo ako sa tabi nito at tinignan siya.

Bakit parang naglevel up 'yun kagwapuhan niya?

Nakita kong gumalaw ang ulo nito kaya pakunwaring tumingin ako sa ibang direksyon. Hindi ko alam kung gaano na kami nakatambay sa labas ng biglang magvibrate ang cp ko. Kunot noo ko 'tong hinugot sa bulsa ko at tinignan kung sino.

May nagtext....

Nagtataka kong binuksan ang message nito.

From: Zohan
[Ate nakalimutan kong sabihin pala sa'yo 'to.]

Si zohan?? Ano 'yun nakalimutan niya? Asan 'yun part two ng message--

Nagvibrate na naman ang cp ko.

From: Zohan
[Nakalimutan kong sabihin na..... hindi pa pala tayo bayad sa hospital.]

ANO?! Tanga ba sila?

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now