Chapter 7

31 9 1
                                    

Love or Money

[7] Unlucky




Ken's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil magtitinda ako ng turon. Pinakiusapan ko si noel na ako nalang sa hapon at sa umaga naman si jiro. Ayokong pareho kami ng schedule sa trabaho dahil hindi lang niya ako kukulitin. Aasarin at bwibwisitin lang ako magdamag 'pag nagkataon.

Sandali pa akong nalalakad ng maisipan kong magpahinga. Hindi ko alam kung bakit sinabi ko kay noel na hapon nalang ako. Kung kelan mas malakas ang benta ko sa hapon.

Ang shange ko talaga!!

Nakatunganga akong umupo sa tabi ng isang halaman at kukunin na sana ang tubig ko ng biglang may tumawag sa akin.

"Ate magkano 'to?" Turo ng isang bata sa mga turon ko.

"Tatlong libo lang-"

"Kunin ko na ho lahat." Sambit nito ng hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Nagugulat kong inabot sa kanya ang lahat ng turon ko.

Pito lang naman ang natira sa turon ko. Binili niya lahat at umalis na.

"Grabe ang yayaman na ng mga tao ngayon." Bulong ko sa sarili.

Sandali pa akong tumunganga dun ng maisipan kong umuwi na at maghanda para sa shift ko mamayang hapon.

Ok na siguro 'yun. Mas malakas ang benta ko sa hapon kesa sa umaga sa cafe.

Sinimulan ko nang lumakad nang mapadaan ako sa harap ng bahay nila elsa. Andito na naman ako sa malapalasyong bahay. Nilibot ko sandali ang paligid nito. Wala sila masyadong mga kapitbahay. Karamihan ang nandito ay mga malalaking bahay at matatangkad na puno, pero hindi mo ito maihahalintulad sa laki ng bahay na nasa harap ko.

Lalagpasan kona sana ang malapalasyong bahay ng may makita ako sa harap ng gate nila.

Wanted: 1 maid and 1 butler.

Tinignan ko kung ilan ang makukuhang sweldo nito pero walang nakasulat. Ayy sayang papasok na sana ako para maging butler kaso walang pinakita na sweldo. Walang gugusto dito panigurado.

Nilagpasan ko na ang gate nito at agad na umuwi.

Nakauwi ako sa bahay na lutang. Nag-aalala ako sa kalagayan ni tatay lalo na't pinipilit niya ang sarili na magtrabaho kahit pinagbabawalan namin ni zohan. Pagkapasok sa bahay, agad akong nagtungo sa kwarto para magbihis. Wala na akong oras para maligo pa dahil late na ako sa shift ko. Lagpas tanghali na ako ng uwi.

Tumatanggap naman ata sila ng amoy basura.

Gusto kong pormal ako ngayon, lalo na't ito ang araw na magsisismula ang pag-iipon ko. Naghanap ako ng disenteng damit kahit papano magmuka naman akong tao. Halungkat dito, doon, diyan, pati ata sa bahay ng mga daga nahalungkat kona.

Hindi nagtagal nakahanap ako ng maayos na damit. Pero hindi ako ang may ari kun'di si zohan. Hiniram ko ang P.E shirt niya na hindi naman mukang P.E. Pagkabihis ko, agad na akong lumabas at nag-iwan ng konting pera sa bookshelve.

Pagkasara ko ang pinto, agad na akong tumakbo papunta sa highway. Pero hindi pa ako nakakalayo ng may maramdaman ako sa paanan ko. Parang may matalim na bagay na tumutusok sa bawat hakbang na aking ginagawa. Habang tumatagal umiinit ang bawat hakbang ko. Pakiramdam ko masusunog na ang dalawang paa ko.

Kinamot ko ang pisngi ko at inis na tinignan ang nilalakaran ko. At kung mamalasin ka nga naman nakalimutan kong magseven inches.

Kingina wala pala akong suot na sapatos!!

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now