Chapter 60

12 5 1
                                    

Love or Money

[60] Family's secret





Ken's POV

Inaayos ko ngayon ang mga gamit namin sa bahay. Lahat lahat ng pwedeng itapon sa basura, inaayos kona. Pati ang damit namin nila tatay at zohan nakahanda ng matapon sa basurahan.

"Ready na po kayo ma'am?"

Napatingin ako sa pinto kung saan nakatayo si jimboy, kasama kong nagaayos ng mga gamit dito sa bahay para lumipat.

"Mauna ka nalang muna. Balikan mo nalang ako mamaya." Nagpilit ako ng ngiti.

Tumango naman siya bilang pagsang ayon. Binalik ko ang atensyon sa mga damit ni tatay. Nakakapanghinayang lang dahil ito na ang huli niyang makakasama ang bahay nila ni nanay. Pinunasan ko ang pisngi dahil sa luha kong may galit ata sa 'kin.

Kinuha ko ang lahat ng pwedeng maayos sa loob ng kwarto ni tatay. Natapos kona ang sa 'min ni zohan, gamit nalang ni tatay ang inaayos.

Tay....

Ilang linggo ang nakalipas matapos ang operasyon ni tatay. Sobrang iyak ko dahil sa sakit na nararamdaman. Kagat labi ang ginagawa ko habang nililigpit na ang damit ni tatay. Kahit man wala siya ngayon dito para tulungan kaming lumipit, hindi ko makakalimutan ang magandang ala ala namin kasama siya at ni nanay.

Ilang linggo ko rin pinag-iisipan ang sarili dahil sa kasalanan ko. Lumabas na ako ng kwarto at nilibot ang paningin. Mamimiss ko talaga ang bahay namin. Ito ang nagsilbing silong namin nila nanay. Ito ang nagsilbong tahanan ng walang tumulong sa amin. Ang bahay na pinaghirapan ni nanay para sa amin magkapatid at kay tatay.

Binuhat ko ang maleta ni tatay kasama ang mga gamit namin dito sa bahay. Nilabas ko muna isa isa dahil babalikan pa naman ako ni jimboy. Hindi ko rin makakalimutan si nanay sa kabaitang pinakita niya sa amin ni zohan. Hindi man niya nakita kung paano ko nasolusyonan ang mga problema ko ngayon, alam ko naman na proud siya sa 'kin.

Ewan ko lang kay lola.

Lilipat na kami ng titirahan dahil 'yun ang kagustuhan ng lola kong masungit. Napagdesisyonan niyang matapos ang operasyon ni tatay, ililipat na niya kami ng titirahan. Gusto niyang sa mansion niya kami patitirahin at sa pagkakataon na 'to, tatratuhin na niya kami na tunay niyang apo.

Madaming nagbago sa matandang 'yun. Siguro nagsisisi narin sa nagawa nito kay tatay. Ngayon pa talaga? Ngayon mismo hindi ko siya kasama ngayon? Badtrip na 'yun. Hindi ko alam kung bumabawi siya kay tatay dahil base sa nakikita ko, mukang nagtitino narin ang pag-iisip nito.

Nang mailabas ko ang lahat ng gamit, sinara ko ang pinto at nilock. Wala kaming balak na ibenta sa kanino man ang bahay na 'to. Balak ni lola na mananatili ang bahay na 'to dito hanggang sa maisipan niya ang pwedeng gawin.

Pero dapat dadaan muna siya sa sa akin.

Bumuntong hininga ako. Mukang ito na ang huli kong makikita ang bahay namin. Hindi sa huling huli talaga, kun'di 'yun huli ko 'tong makikita kasama ang mga gamit na sinilong niya sa lahat ng pagsubok namin sa buhay.

Mamimiss ko rin sina nanay at tatay na kasama ang bahay na ito.

"Ma'am ken?"

Napatingin ako sa likod ko. Nandito na pala ang kasama ko. Sa sobrang bilis niyang dumating, dinaig niya pa si flash.

Tatango na sana ako, kaso may sumingit sa eksena namin.

"Kenedy? San punta?"

Lalo akong napahinto. "T-tita Shine," lumapit ako sa kanya. "Ba't po kayo nandito?"

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now