Chapter 10

21 8 0
                                    

love or Money

[10] New Job



Ken's POV

Ang sakit ng paa ko kingina!!

Nakakainis talaga sumakay sa gumagalaw na machine na 'yun. Umupo ako sandali at sinandal ang ulo ko sa upuan. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Wala akong inisip kun'di ang gagastusin namin sa hospital. Sa mga bagong gamot ni tatay. At ang nalaman ko tungkol sa kalagayan ng paningin ko. Kung ano ang magiging kahihinatnan nito sa susunod na araw o linggo.

Late kana.......

Napabalikwas ako ng pagkakaupo. Parang may bumulong sa tenga ko at pinapaalala nito na late na ako sa trabaho.

Tang*na 'yun cafe!!

Muntik ko nang makalimutan ang cafe. Muntik ko nang makalimutan ang trabaho ko. Agad akong nagtungo sa banyo at sinimulang maligo. Tinignan ko kung may laman ang mga timba sa loob pero wala ni isa. Inis kong tinignan ang tumbler kung may laman. Meron pa, konti nga lang.

Agad kong kinuha ang tuwalya ko at binuhos ang malamig na tubig sa katawan. Para akong naliligo ng yelo sa sobrang lamig nito.

Kelan patong tubig na'to dito?!

Hindi na ako nagtagal pa sa banyo, agad na akong lumabas at diretsong pumasok sa kwarto. At dahil nga sa pagmamadali ko may naapakan pa ano na kung anong bagay o hayop sa nilalakaran ko.

As usual ang morning routine ko na naman. Halungkat dito, diyan, doon, halungkat everywhere. Bongga, wala akong mahanap na damit. Hindi man lang naglaba ang animal kong kapatid. Sa sobrang tagal kong paghahanap ng damit, hindi ko namalayang kumalat na pala ang mga ito.

Matapos ang matagal na paghahanap, agad na akong lumabas at inis na sinuot ang sapatos ko. Pinagpag ko sandali ito dahil nga sobrang alikabok na at daig pa ng galing sa basura ang itsura.

Buhay ko'to 'wag kayong ano!!

Patakbo akong lumabas at agad na pumara ng sasakyan. Nakatunganga lang ako habang hinihintay ang pagtigil ng sasakyan. Kinamot ko ang ulo ko sa inis dahil hindi ko alam kung saang planeta ako hahanap ng pera.

'Yung sana malaki agad ang ibabayad kahit unang araw mo palang sa trabaho. 'Yun agad agad ng ibibigay sa'yo ang sweldo mo kahit hindi kapa na hired. 'Yung anytime willing to give a money kahit wala ka pang tinatapos na trabaho.

Meron kaya?

Meron kayang agad na tutulong sa'kin? Meron ba ganung klase ng tao dito sa mundo? Kung meron man kelan ka darating? Kelan mo pauulanin ng pera ang buhay ko? Kelan?

Kelannnn-- Ayyyyyyyyy!!!!

Bigla nalang ako napasigaw sa iniisip ko dahilan para bumalik ako sa reyalidad. Naghahalo ang gulat at inis na tinignan ang animal na driver.

"Kuya ano naman niyan! Papatayin mo ba ako?! Dahan dahan ka naman." Inis na sabi ko dito.

Yumuko siya at kamot batok na tumingin sa'kin. "S-sorry ho ma'am. Muntik na kasi nating mabangga ang pusa."

"Eh kahit na kuya. Dinahan dahan mo parin sana. Kaasar ka eh."

"Sorry ho talaga ma'am. Ahh nandito na pala tayo."

Pagkasabi niya 'yun, agad kong tinuon ang paningin ko sa labas. Tama nga siya nandito na nga ako sa hell. Huminga ako ng malalim bago inabot sa kanya ang bayad at dahan dahan na bumaba.

Paniguradong patay ako ngayon.

Huminga hinga muna ako bago ko dahan dahan na binuksan ang pinto. Sinilip ko kung andun naba ang mga boss ko at hindi naman ako nagkamali.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now