Chapter 59

12 5 0
                                    

Love or Money

[59]  Behind myself





Ken's POV

Hinihingal ako dahil sa pagod. Hindi ko alam kung sino ang mas demonyo.

Si madam o ang kinginang loli na 'to!

"Ken, magusap lang tayo!" Sigaw ni loli habang tumatakbo sa hallway.

Nakakahiya ang shang*na. Hindi na sila nahiya sa ibang pasyente. Sana kasali nalang siya sa mga nakahiga dito.

"Bumalik kana!"

Tanga! Tumatakbo lang ako habang ang luha ko nililipad ng malakas na hangin dito sa loob. May mahangin kasi dito kesa sa aircon nila. Kumaliwa ako. Paiba iba ako ng tinatakbuhan. Nahagip pa ng paningin ko si zohan na kakapasok lang sa pinto.

Ang tagal kumuha ng damit ha, nagshopping pa ba ang gago?

"Ate? Bakit ka tumatakbo--?"

"Z-zohan balikan mo si tatay!" Sigaw ko ng malagpasan  ko siya.

HIndi nila gagalawin ang kapatid ko dahil 'yun ang kasunduan namin kapalit ang pagsali ko sa grupo ni loli. Oo, sumali ako para baguhin ang ugali. Pero lalo lang lumala ng ipagawa niya sa 'min ang bagay na hindi ko magawa.

Ang magnakaw....

Ay dahil nga sa english subject na 'yan, nakilala ko ang grupo nila loli. Loling supot tang*na! Ang totoo, gusto ko rin sumali sa grupo ng gago. Sa kagustuhan kong makasali, kinailangan ko pang suwayin si nanay. Nagbago ang pananaw ko sa buhay. Naisipan kong maging masama at hindi inisip ang kalabawan ng ginawa.

Lumabas ako ng hospital. At dahil rin sa akin.... naaksidente si nanay. Sa katigasan ng ulo ko, nawala sa akin ang pinakamamahal kong nanay. Mas pinili ko kasing sumama kina loli nun araw ng kaarawan ko. Akala ko kung anong sorpresa ang ibibigay nila. 'Yun pala isang katangahan!

Bumagsak ang luha ko habang tumatakbo parin. Pinilit nila akong magnakaw ng pera sa mayayaman na tao, alang alang sa regalong ibibigay nila sa akin. At dahil nga sa kabobohan ko, sumunod ako. Nakakuha ako ng mahigit five hundred thousand na pera. Ang bobo ko lang dahil ginawa kopa talaga!

Hindi ko mapigilang hindi mapatigil sa pagtakbo. At ang araw na 'yun, ay ang araw kung saan iniwan na kami ni nanay. Nang makuha ang pera, nalaman kong nasa hospital na daw si nanay. At dahil sa katangahan ko na naman, hindi ko binigay kina loli ang pera. Dinala ko ang pera sa hospital dahil 'yun lang ang paraan na alam ko dati.

Napahinto ako sa pagtakbo at bumuhos ang luha ko. Pagkarating ko kina nanay, dead on arrival na daw siya. Nalaman ko na nabangga siya ng malaking sasakyan. Tumawid si nanay dahil nabili niya ang cake.

'Yun cake na pinapangarap ko dati, pero simple lang.

Sa araw ng kaarawan ko, hindi ko mapigilang hindi masaktan. Sinumpa ko sa araw na 'yun na kakalimutan ko ng pinanganak ako. Kinalimutan ko ang araw na pinanganak ako dahil ayoko  ng balikan pa ang kasalanan na ako mismo nakagawa.

Kinalimutan ko lahat pero hindi ang utang daw sa 'kin ni loli na ninakaw ko. Hindi niya 'yun pera. Pero pinipilit niyang sa kanya ang pera na ito. Balak kaming pakasuhan ng may ari nun pera, pero dahil wala pa ako sa legal age, hindi nila tinuloy dahil hihintayin nalang nila na dumating ang 18th birthday ko.

Napaluhod ako at kasabay nun ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Gusto kong humingi ng tawad kay nanay sa kamali ko. Kung nakinig lang ako sa kanya siguro kasama ko palang siya ngayon.

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now