Chapter 15

18 8 0
                                    

Love or Money

[15] Curiosity




Ken's POV

"I told you, that's none of your business." Malakas na sigaw sa 'kin ng alaga ko.

Eh bet demo neleng kese sebehen?!!

"Eh gusto ko lang naman kasi malaman kung sino sila-"

"Are you deaf?! Or you're just stupid?! Like I said before those are none of your business-"

"Oo na nga diba! Those are none none none of my bishnesh!" Inis na sigaw ko dito.

Lalong nagsalubong ang kilay nito. "Bakit kailangan mong sumigaw?"

"Eh paano ako hindi sisigaw. Kanina mo pa ako sinisigawan!"

Kingina ka.

"Whatever! Just.... get out!" Sigaw na naman niya sa 'kin.

Inirapan ko siya at padabog na umalis sa kwarto nito. Nakucurios lang naman ako eh ano bang masama dun? Masama bang magtanong ha? HA?! Sumagot ka!

Kahapon ko pa siya kinukulit. Ilang beses ko na siyang tinanong kung sino 'yon mga nakapangalan sa box at sobre. Pero ni isang paragraph lang wala akong nakuha. Kahit isang sagot lang wala.

Wala, walang wala. Madamot magbigay ng sagot ang animal na 'yon. Inis akong bumalik sa kusina at tinuloy ang paghuhugas ng pinagkainan nito. Kung bakit ba kasi ako ang nakatoka dito eh gawain ito nila ate D.

Speaking of ate D kanina pa sila wala ni G.

Saan kaya sila nagpunta?

Aiiii bakit ba lagi nalang ako nakucurios. Umiiling-iling ako habang sinasampal ang sarili. Itinuon ko nalang ang atensyon sa paghuhugas.

Kung ano ano na nagagawa ko dito. Naglinis ako sa sala, nagpolish ako ng mga bintana, nagtapon ng basura, naghugas ng kaldero, nilinis ang kusina hanggang sa cr. Kingina ang daming gawain dito. Kinailangan ko pang magdoor to door para masigurong malinis ang bawat kwarto.

"Kingina nila..... nakakapagod na!" Bulong ko sa sarili ko.

Sino ba kasi ang nakapagisip na ganito kalaki ang itatayo nilang bahay kung hindi naman sila mismo ang maglilinis dito? Eh kulang nalang linisin ang bawat sulok nito ng zonrox.

Matapos ang nakakapagod na trabaho, umupo ako sa pwedeng mauupuan at minasahe ang dalawang paa ko. Bumuntong hininga ako at sandaling pinikit ang dalawa kong mata.

Nagising ako dahil may kumikiliti sa muka ko. Hinawakan ko ito habang nakapikit ang dalawang mata ko. Para itong papel na kung ano. May naramdaman din akong kamay na humawak sa pisngi ko dahilan para magising ako. Dahan dahan kong dinilat ang mga mata at may nakita akong tao na nakatayo sa harap ko.

"A-anong oras na ba?" Wala sa sariling tanong ko.

Sa halip na sagutin ako, inilahad nito ang kamay at dun ko lang napagtanto na pera ang hawak nito.

Pera?! May pera. Pera nga!!!

Kinagat ko ang ibabang labi at akmang tatayo ng pigilan niya ako.

"Here ken take it. Take the money." Sabi nito sabay abot sa 'kin ang milyones na pera.

Para akong nahihilo ng kunin ko ang pera. Nagniningning pa ang dalawa kong mata ng tuluyan ko na itong nakuha at mas lalong nilapit sa muka.

"Is that enough for you? Madami pa dito oh." Inabutan na naman niya ako ng isa pang batch ng milyones na pera.

"Here ken.... take it. Go ahead and take it. I'm giving you your happiness. This is all yours now. No one can stop you so take it. Take it all."

 Love or MoneyWhere stories live. Discover now