Chapter 26

15 7 0
                                    

Love or Money

[26] Who's there





Ken's POV

Ang boring!!

Mas lalo atang bumoring ng umalis si sera dito sa mansion. Kung bakit kasi nakita pa nito ni Miss Caren. Oo ayoko kay sera, pero sa una lang 'yun. Habang tumatagal, gumagaan ng gumagaan ang nararamdaman ko sa kanya.

"Ang boring naman, lalo na ngayon wala si sera." Si ate D h abang mabagal na nginunguya ang kinakain.

Exactly!!

"Kaya nga.." singit ni Molli.

Si Molli ay kasama ko rin na namamasukan dito sa mansion. M ang tawag namin sa kanya. Pero kung makasingit naman siya sa usapan, akala mo naman may ginawa siyang maayos ngayong araw.

"Eto naman kung maka kaya nga ka diyan akala mo naman may ginawa." Usal ni G na ngayon ay sinusuklay na ang buhok.

Isa pa 'to! Akala mo naman may maayos na ginawa eh paghahabol lang naman ang inatupag niya.

"Oh baket?? Meron naman ah. Ako kaya gumawa sa trabahong para sa'yo dapat." Sumbat naman ni M.

"Aba anong ako? Eh trabaho mo kaya 'yun." Si G.

Nagsumbatan ang dalawa hanggang sa mainis na sa kanila si ate D.

"Eh kung gawin niyo nalang ng mas maayos ang trabaho niyo diba?!" Sigaw na ni ate D sa dalawa. "Puro kayo reklamo! Wala naman kayong ginawa na maayos sa araw na 'to."

"Aba kami lang ba? Eh kayo din naman ni K ha!" Singit na naman ng kung sino sa likod ko.

Kunot noo akong humarap sa kanya. "Bakit ako nadamay? Ang dami ko kayang ginawa ngayon. Nagtrabaho na nga ako, nagbabysit pa ng dalawang animal-- bata." Inis kong sambit.

"Mas lalo naman ako!" Sabat ng isa naming kasama. "Linis ako ng linis, pero kayo... wow! Ang sarap niyong pag untu-untugin sa muka."

"Eh kung ikaw kaya iuntog ko sa pader." Inis na sambit sa kanya ni ate D. "Kung makapag untog ka diyan.... Ano? Sino ngayon ang sisisihin niyo?" Inis nitong tanong sa aming lahat.

"Kasama niyo ngayon ang head housemaid!" Turo nito sa sarili. "Wala kayong respeto. Puro kayo dada! Pare pareho lang naman tayo dito na walang ginawa na maayos ngayong araw. Kaya nga tayo napagalitan eh. Karamihan kasi sa inyo, maarte!" Sigaw nito sa amin.

"Eh ganun ka rin naman ah." Sumbat ni G.

Binigyan niya ito ng matalim na tingin. "Isa kapa! Kaya nga tayo diba? Tayong lahat na nandito!"

Hindi na nakasagot pa itong isa. Susumbat pa kasi. Nakarinig ako ng konting bulungan sa likod ko. May nagmura din ng pabulong lang 'yun pero dinig na dinig ng dalawang tenga ko. Hindi ko alam kung bakit kailngan pa naming magmeeting.

Ngayon pa talagang gabi!

Gabi na pero heto kami ngayon GISING na GISING. Pwede namang ipabukas nalang at ipahinga muna ang gabing 'to. Pero hindi! Nainis nalang ako bigla dahil sa nangyari kanina. Kung hindi kaya dumating si Miss Caren, nandito parin kaya si sera?

Kanya kanya sila ng paguusap habang ako naman, iniisip ang nangyari kanina.

*FLASHBACK.....*

"Sera dahan dahan lang. Baka madapa ka." Sigaw ko kay sera.

"Bilisan mo ate K nakaalis na si ate Caren oh." Sigaw din nito.

 Love or MoneyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant