CHAPTER THIRTY EIGHT

9.3K 259 43
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

NAKAKAINIS na nakarami ito kagabi sa kama at hindi sa suntok. Ang daling maghimagsik ng kalooban niya kaso madali lang din bumigay sa kalandian ng lalaking 'to.

Hindi niya maipaliwanag ang inis niya sa sarili nang makitang mahimbing na natutulog si Alexendris habang nakaunan sa dibdib niya. Parang walang ginawa noong nakaraang gabi!

Sa sobrang inis niya hindi niya ito pinapansin ngayon. Hindi naman maipinta ang mukha nito habang nakasunod sa kanya kanina pa. Gusto niya na ngang itali sa upuan.

"Bakit ka ba dikit ng dikit? Wala ka bang pasok ngayon?" naiiritang tanong niya.

"Hindi ako papasok hangga't hindi mo 'ko kinakausap, Celestine," mariing sagot nito.

Umismid siya. "Bahala ka diyan." Tinalikuran niya ito saka naglakad.

Nagsisimula na siyang ma-bored sa bahay na 'to. Wala na siyang maisip gawin. Puro na lang sala, garden, kusina at kwarto ang ginagalaan niya. Bumalik kaya siya sa bahay niya?

"Celestine!"

Napahinto siya sa paglalakad ng corner-in siya ni Alexendris sa pinasukan niyang kwarto na library ata. Pinagkros niya ang mga braso at bagot na tiningnan ito.

"How can we fix the problem kung iiwasan mo lang ako? Is it really hard to talk?" sarkastikong saad nito.

"Oo, mahirap talagang magsalita lalo na at gustong-gusto kong bangasan ang pagmumukha mo!" asik niya. "Ang tigas ng mukha mong pumasok sa kwarto ng iba. Akala mo hindi ko nakita na pumunta ka sa kwarto ni Hecate? Anong ginawa niyo ro'n? Tagu-taguan?"

Nangunot ang noo ng binata. "What? When did I enter that woman's room? I don't remember anything, Celestine. Are you still okay?"

Sinamaan niya ito ng tingin. "Oo naman! Ano'ng tingin mo sa 'kin, baliw? Nakita ka ng dalawang mata ko na pumasok sa kwarto!"

Saglit na nag-isip ang binata hanggang sa napapikit ito ng mariin. Tinignan siya na parang kotang-kota na siya.

"You mean the other night?" tanong nito. Tumango siya. Marahas itong napabuga ng hangin. "I knew very damn well it's not Hecate's room. It was my safe room, Celestine! I kept there all my important files. It's not Hecate's room!"

Natigilan siya. Hindi! Ang pagkakaalam niya roon ang kwarto ni Hecate, eh! Sigurado siya.

"Hindi! Sigurado ako. 'Wag ka na ngang magkaila!" asik niya.

"Really? How sure you are, woman? Can you remember the door correctly? Do you sure that is really Hecate's room?" hamon ng binata.

Nag-iwas siya ng tingin dahil nagsimula na rin siyang magduda sa sarili niya. Inalala niya ang gabing 'yon. Hindi talaga siya sure kung iyon ba talaga ang kwarto ng bruha, eh.

Kung ganon, mali siya?

"I knew all the rooms here better, Celestine. Matagal na akong nakatira rito and besides, they are not allowed to go in this part of the mansion kung nasaan ang kwarto ko, office and my safe room." Ito naman ngayon ang nagkros ng mga braso. "So, what's your defense, huh, woman?"

 Umismid siya saka tinalikuran niya ito. "Ah, basta! Mali ka pa rin. Malandi ka pa rin!"

Hindi makapaniwalang tumawa ang binata saka siya sinundan. "Really! It's still my fault that you accused me of cheating. After all the waiting and jealousy I felt yesterday for nothing. Kasalanan ko pa rin!" 

"Bakit? Nakabawi ka naman kagabi, ah! Pinigilan ba kitang mag-enjoy kagabi?" sumbat niya.

"Why? Am I the only who enjoyed it last night?" Ngumisi ito. "The last time I checked, umungol ka rin."

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon