CHAPTER SEVENTEEN

11K 310 50
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NAMOMOBLEMA syang nakatingin kay Alexendris na nakahiga sa sofa nya. Inaapoy ng lagnat. Bakit kaya sumuong ang lalaking to sa ulan?

He kept on murmuring na hindi nya maintindihan. Kung di lang nilalagnat baka naaway nya. Sino ba naman kasi ang susuong sa ganyan kalakas na ulan?

Liban na lang kung may problema sya. Base sa obserbasyon nya. Kanina pa basa ang lalaki dahil pati loob ng kotse nito basa!

"Oy, ano bang nangyari sayong lalaki ka?" bulong nya habang nakalapat ang kamay sa noo ni Alexendris

Wala pang kain ang lalaki tapos nag-iisip pa sya paano ililipat sa kwarto e gayong ambigat-bigat pa naman nito. Di pa sya makatayo kasi parang lock na nakahawak ang kamay nito sa braso niya.

Parang baliw. Kung mahahati lang ang katawan nya e.

Tinapik-tapik niya ang makinis na pisngi nito. "Alexendris... Magluluto na ako. Kailangan mong kumain." aniya

Umuungol ito. Dahan-dahang binitiwan ang braso niya. Nakatayo din sya sa wakas. Kaagad syang nagluto ng mainit na sabaw saka kumuha sa stock nya ng gamot bago pinuntahan uli si Alexendris.

Marahan nyang hinaplos ang buhok nito. "Pst. Gising na. Kumain kana para makainom ka ng gamot."

Hindi sumagot si Alexendris kaya inalog nya ang magkabilang pisngi nito. Nagtagumpay naman dahil nagmulat ng mga mata ang binata.

"Bangon na."

Inalalayan nya sa pag-upo ang binata na gumigewang pa dahil sa sama ng nararamdaman. Hinapan nya muna ang sabaw saka sinubuan ang binata. Kaunting kanin lang inilagay nya kasi baka isuka din nito.

"Ano bang nangyari sayo? Okay ka pa naman kanina ah?" nag-aalala nyang tanong

Inabot nya ang gamot dito. Kaagad namang ininom ni Alexendris. Isinandal nito ang ulo sa sofa at pumikit. Inilapag nya ang baso.

"Tara. Dalhin kita sa kwarto. Baka mahulog ka pa dito." aniya. "Wag ka mag-alala. Di kita gagahasain. Tatabihan lang."

Syempre. Kama nya yon saka malaki naman yun. Sakto lang para sa kanila. Tabi lang naman pramis.

Hinawakan nya ang braso nito saka ipinatong palibot sa batok nya para sana alalayan ito sa pag-tayo ng magsalita si Alexendris. Napakunot-noo siya.

"It's all my fault..."

"Huh?"

Nakapikit parin ito. Para bang nanaginip ng gising.

"If it's wasn't my existence. She would've been alive now. Happy and breathing."

Natigil siya sa hinanakit boses nito. Ito ang unang pagkakataon na marinig nya ang sakit sa boses ni Alexendris. Sa taong akala nya mas matigas sa bato.

Sa boses nito ramdam na ramdam nya ang sakit at galit ngunit sa payapang paraan dahil wala man lang luha na lumalabas sa mga mata ng binata. Para bang sanay na ikinikimkim ang nararamdaman.

"Ano bang...sinasabi mo? Sinong sya?" nagtataka nyang tanong

"I've watched her cried every goddamn night. Every goddamn time she watch my father with another woman. I've watched her tried to break free...but she can't... I watched her die. I watched my mother die."

Nag-constrict ang hangin sa baga nya ng marinig ang huling sinabi nito. Alam naman nyang patay na ang mama ni Alexendris pero hindi nya naman alam na nakita nito.

Kaya pala ganon na lang ang sakit sa boses ng binata. Imbis na itayo. Hinila nya na lang ang binata pasandal sa balikat nya saka hinaplos ang pisngi nito.

No EscapeWhere stories live. Discover now