CHAPTER EIGHTEEN

10.5K 360 93
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

NAKAUPO sya sa sahig habang ang ulo niya ay nakapatong sa upuan ng sofa. Ganto gawi nya kapag nanunuod. Nasa magkabilang-gilid naman si Van at Ericka na hindi naman nanunuod. Nakikitsismis lang sa kanya.

"Binalaan ka na namin. He's not called rutless kung hindi sya ganon umasta sa ibang tao." komento ni Ericka

Umismid si Van. Kaya sinamaan nya ng tingin tas may suntok narin sa binti.

"It's your fault. Kung hindi ka tsismosa. Hindi kayo magkakakilala. You wouldn't get in trouble." sermon nito

Saglit nyang tinignan si Van na walang magandang sinasabi. "Hindi naman gulo ang tingin ko sa kanya. Noong una, oo, pero ngayon hindi."

Napapikit sya ng kamutin ni Ericka ang ulo niya. Masarap sa pakiramdam. Hindi na nya kailangan magbalakubak mamaya pagligo nya.

"Aminin mo nga. May gusto ka ba sa kanya? Kanina ka pa depensa ng depensa. Parang hindi ka sinaktan."

Bumuntong-hininga sya. "Saka ko na sasabihin kapag matino na ang isang yon. Gusto ko munang magrelax bago harapin uli ang kupal na yun."

Tumunog ang cellphone ni Ericka. Alam nyang aalis na sila kaya tumayo na sya. Automatik na kasi yun. Si Van naman. Hindi yan magtatagal. Allergic yan sa mukha nya e.

"Ingat ka. Daan na lang ako uli kapag may time. Byee!" paalam ni Ericka

"Byee!" tumingin siya kay Van. "Ikaw? Wala ka namang lakad ah? Bakit ata't na atat ka laging umuwi?"

"Ayoko kitang kasama. You causes trouble, goddamn always."

Sinamaan nya ng tingin si Van. "Sama ng ugali mo. Umalis kana! Wag kanang babalik dito ah! Wag kang papaluto saken ng bicol express!"

"Goodbye."

Basta na lang syang tinalikuran ni Van kaya dinampot nya ang tsinelas saka binato sa ulo. Sinara nya kaagad ang pinto nang masapol niya.

"Tangina Celestine! Masakit yon!" nanggigil na sigaw ni Van sa kabilang bahagi

Humagalpak sya ng tawa. Buti hindi na pinaghahampas ni Van ang pinto niya at tuluyang umalis kasama si Ericka. Kung hindi mambabae baka nasa bahay at naggy-gym lang naman si Van. Sobrang tamad samahan sya parang di kaibigan tss.

Pabagsak syang umupo sa sofa at nangalumbaba. Mataas pa ang lagnat ni Alexendris kagabi. Malamang na mabibinat yun. Hindi nya talaga masakyan ang ugali ng isang yon. Wala naman silang pinagtalunan kagabi.

Pagkatapos nang lahat. Sasabihin nya deal lang yon lahat? Sinong niloko nun? Hindi naman yun susunod sa kanya sa bahay ng mga magulang nya, sasama sa kanya sa beach nang isang linggo kung deal lang pala lahat.

"Hello po?"

"My son's raging all morning. What happened to both of you?..."

"Anak niyo ho tinotoyo na naman. Okay pa naman ho kami kagabi tas pag-gising ko. Pumunta ako sa opisina nya tas pinaalis niya ako! Alam niyo ho bang pinagluto ko pa yang hinayupak—" tumikhim siya

Hahayaan ko ho muna ang anak niyo na maattitude na naman. Saka ko na ho sya kakausapin kapag kalmado na ako

Syempre joke lang yun. Hindi nya sasabihin!

"Hindi ko po alam."

"He kicked you out?... Don't let him do that. He's trying to move on."

Nangunot naman ang noo niya sa sinabi ng papa ni Alexendris. Move on saan?

"Ho?"

"He's doing that because he's in love with you."

Nagsinglaki ng limang piso ang mga mata nya sa gulat. Hindi niya ini-expect yun. Si Alexendris mafa-fall?

No EscapeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ