CHAPTER EIGHT

12.9K 339 27
                                    

CHAPTER EIGHT

MATIWASAY NA NAUPO siya sa palagi nyang upuan dito sa fast food chain kung saan sya malagiang kumakain. Kasama nya si Ericka na sarap na sarap sa pagkain ng manok na may gravy. Si Van naman ay naniningkit ang mata sa kanya.

"Buti buhay ka pa." sarkastikong saad ni Van

Nag-angat ng tingin si Ericka sa kanilang dalawa.

"Huh? Anong nangyari?" tanong kaagad nito

Napakamot sya sa ulo nang mas lalong tumalim ang mga mata ni Van sa kanya.

"Kaibigan mo. Naghahakot na naman ng gulo!"

Bumaling na sa kanya ng tuluyan si Ericka na nakakunot-noo.

"What did you do again ha?"

Magsasalita sana sya ng unahan na sya ni Van na nagsisimula ng kumain. Halos lumawa naman ang mata ni Ericka sa narinig.

"Nababaliw kana ba?! Haven't I warned you not to mess up or even get close sa lalaking yun. Paano kapag nalaman ng parents mo yan?" sermon nito

"Alam ko na mali pero nandun na. Ang mahalaga nagawan ko ng paraan." depensa nya

Kinuha nya ang coke saka sumimsim doon. Naningkit naman ang mata ng dalawa sa sinabi niya. They're doubting what way she made.

"Anong paraan?" Van asked

"Gumawa ako ng deal at pumayag sya kaya okay na ang lahat. Wag na kayong mag-alala." paniniguro niya

But Van and Ericka were still doubting kaya hindi nila tinantanan ng tanong sya. Celestine has no choice but to answer the two.

At halos malaglag ang mga panga ng dalawa sa isinagot nya. Nasapo ni Ericka ang bibig.

"Nababaliw kana nga Celestine! Out of all the things you can offer. Yun pa?!" Ericka exclaimed

"E, kasi.." napakamot sya sa ulo. "Wala na akong maisip nung mga panahong yun. Wag niyo na akong awayin!"

"My gosh Celestine! Kung saan-saan kana talaga dinadala ng curiousity mo!"

Sumimangot sya. Alam naman nyang sakit na talaga sya ng ulo at minsan, para syang walang utak kong kumilos but when it comes to her curiousity. Hindi nya mapigilan ang sarili. Every question must have an answer for her.

"Wag kanang ma-stress. It already happened. Let's just thank that he didn't hit back on your parent's business. We all knew him. He's ruthless. Maswerte kana sa lagay mo matapos mo syang tuhurin." napailing-iling si Van

"Alam ko." mahina nyang saad

Everyone consider Alexendris as short-tempered, ruthless and insensitive but to her. Hindi sya ganoon. Celestine can see through him at isa lang ang napapansin nya. Kulang sa aruga.

She's not mocking him or something. Literal ang sinasabi niya dahil ilang beses na syang naka-encounter ng ganoong tao. Alexendris must've experienced horrific things nung bata pa ito kaya ganoon na lang umasta ang binata.

"Be careful around him. Kilala ang lalaking yun sa kasungitan nya." paalala ni Ericka

Nginisahan nya lang iyon. Bumalik sa isip nya ang nakasimangot lagi na mukha ni Alexendris na tuwing nasasagad nya ang pasensya nito. She always pisses off Alexendris but he never hit her. Isa rin yun sa rason kaya alam nyang deep inside mabuti ang ampalayang yun.

"I can handle that asshole, trust me." tatawang-tawa nyang sabi

Ericka just frowned at her, as well Van. Patapos na sya sa pagkain ng tumunog ang cellphone nya. She checked it out.

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon