CHAPTER FOURTEEN

11.7K 279 41
                                    

CHAPTER FOURTEEN

ANG SAKIT NG ULO NIYA KINABUKASAN. Para syang lalagnatin na ewan at masakit ang kasukasuan niya. Nasa kama na sya at katabi ang binata.

Anong nangyari kahapon?

Kinapa nya ang sarili. Iba na ang suot nya pero sure syang yun padin ang panloob na gamit nya. Pinalitan siguro sya ng damit ni Alexendris.

Natatandaan nya kung anong nangyari kagabi medyo malabo nga lang sa isipan nya. Mariin syang napapikit. Muntik na sya dun. Kung hindi dumating si Alexendris malamang may nangyari na sa kanyang masama.

Sumandal sya sa headboard at tinignan ang binata na nakatalikod sa kanya at yakap-yakap ang unan. Parang bata na ang masarap ang tulog.

"Gising na..." mahinang tawag nya saka ginulo ang buhok nito. "Saka salamat nga pala kagabi. Kahit nakakagigil ka sa kasungitan. Mabait ka parin sakin."

He only groaned. Ibinaon lang nito ang mukha sa unan. Hinayaan nya na lang matulog ito kaya tumayo sya para pumunta sa banyo at maligo.

Magluluto sya ng almusal. Yung masarap na almusal dahil paninindigan nya na ang sabi niyang magiging mabait. Mabait naman talaga sya pero sadyang nakakainis ang binata lalo na kapag nagsusungit at pasmado ang bibig.

Nag-shirt lang sya at maong na short na katamtaman lang ang iksi. Baka malukot na naman ang mukha nun.

"Kain naa!" malakas nyang sambit

Alexendris with a messy hair wearing a sweatpants and t-shirt enter the kitchen. Nakasimangot, yung natural na mukha nito every day. Hindi dahil sa naiinis.

"Masarap yan. Masarap yung nagluto e." sabay tawa

"You'd cause me trouble last night. Is this part your making up?" masungit na tanong nito

"Oo, kasi alam kong mali ako dun." ginulo niya lalo ang buhok nito. "Kaya wag kana magsungit. Kumain kana dyan."

Natigilan ang binata dahil sa ginawa nya. Saglit itong napatitig sa kanya bago nag-iwas ng tingin. Iniwan nya ito para kumuha ng plato saka naupo sa harap para saluhan sa pagkain.

"What are your plans today? Spill it. Para alam ko kung anong gagawin kapag nasuot ka na naman sa gulo."

Nagpangalumbaba sya habang nakatingin dito na kumakain.

"Wala nga." saad niya. Tumingin sa kanya ang binata. "Kasi bukas na uli."

Sumimangot ito. Natawa sya sa mukha nito. Inabot nya ang mukha nito at sinundot ang magkabilang-pisngi ni Alexendris. Napatigil tuloy sa pagsubo ang binata.

"Ang cute mo siguro nung bata ka tapos siguro lagi kang masungit." tumawa sya

"Of course, I am. Hindi ako magiging gwapo kung hindi ako naging cute." masungit nitong saad

Napahalakhak siya. Sabi na nga ba. May pagka-mayabang talaga ang lalaking to na laging nireregla. Hindi man lang nagpaka-humble ang ungas.

"Gala tayo. Ayokong ma-bored dito sa loob ng suit." aya niya

Nanliit ang mga mata ng binata. "Then what? You'll get drunk again with some group of liberated and maniacs?" He said sarcastically

"Hindi na nga. Nadala na ako kaya wag kanang magsungit dyan."

"I don't want." nakangusong tanggi ni Alexendris

"Sige na. Ihahanda ko na gamit mo. Kapag hindi ka sumama. Maghahanap ako ng lalaki—"

"Fine!" asik nito

Nanlilisik ang mga mata nito sa sinabi niya na tinawanan nya lang. Tinapik-tapik nya ang balikat nito.

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon