CHAPTER THIRTY ONE

9.4K 243 40
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

NANGALUMBABA sya sa lamesa habang humigop ng gatas na. Kanina pa siya napapaso pero dahil lutang siya. Wala na syang pakialam. Ang bigat ng mga mata nyang maga. Tumingin siya sa cellphone na punong-puno na ng missed calls.

Bahala siya dyan

Masama pa ang loob niya para mag-usap silang dalawa ni Alexendris. Sobrang bigat ng dibdib niya. She despises this feeling. Palagi siyang masaya kasi ayaw nya ng mabigat ang dibdib niya sa galit, sakit o sama ng loob.

Totoo nga na kapag nagmamahal. Hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Ramdam na ramdam niya yun ngayon. Ang sakit nga e.

Hindi sila kasal pero may kabit na may karapatan pa..

Bagot na umikot ang mga eyeballs nya sa bukana ng kusina. Sunod-sunod na katok ang bumagsak sa katahimikan ng paligid. Parang hinihila niya ang sarili nyang katawan papunta sa pinto.

Wala pa sa kalahati ang pagbukas niya ng pinto nang makita nya si Alexendris. Isasara niya uli sana pero naitulak na ng binata ang pintuan.

"Sabi ko. Gusto ko ng oras. Bakit ka nandito?" mariin nyang tanong

Nagbaba ito ng tingin. "I can't. I'm sorry. Hindi na ako sanay...na wala ka." sagot nito sa mababang boses

"A-ayos na ba? Sabi mo aayusin mo di ba?" nagcrack ang boses niya

"I'm trying..."

Hindi siya nagsalita. Tinalikuran niya ito at tumungo sa kusina para ubusin ang gatas nya. Tumulala na naman siya. Hindi niya namalayan ang paglapit ni Alexendris.

"Are you leaving me?"

Bumalik siya sa huwisyo nang marinig nya ang tanong ni Alexendris. Kahit kelan hindi niya naisipan yun. Kahit nasasaktan na sya. Hindi siya nakasagot.

"Remember when I the night I say I hated you. I hate how you make me feel, because I know. This day will come. I tried to avoid you but you are persistent. I tried everything I can to push you away from feeling the hell of this fucking legacy. But you never left me. I made you choose between your freedom and me. You remember it all, right?"

Bumagsak ang mga luha sa mga mata nya. Tandang-tanda niya iyon. Ayaw nyang mahiwalay kay Alexendris kasi napamahal na siya. Kahit pa ansama-sama ng ugali niyan.

"You choosed me. You did. You can hate me but I will use it againsts you. You never left me. I want you to do that again."

Napatayo siya at hinarap ito. "Iba ngayon, Alexendris! Hindi mo sinabi sakin ang lahat ng to noon!"

"If I ever did. Would you still stay with me?"

Nagkatitigan ang mga mata nilang dalawa. Parang hindi man lang nasasaktan ang lalaki. Malamig lang ang mga mata nito.

"Nasasaktan ako, Alexendris. Bakit parang wala lang sayo yon?" tumulo ang isang butil ng luha sa mata nya

"I'm hurt too." umaangat ang kamay nito para punasan iyon. "But I love you. I'm sorry."

Napapikit na lang sya ng marahan syang halikan ng binata. Kahit pa tumutulo ang mga luha sa mga mata nya.

Buong puso niya paring tinanggap ang binata.


PINATAY nya ang ika-walong tawag ni Hera. Alam nya naman na ang sadya nito at hindi ang sagot niya sa gusto nitong mangyari. Gusto niya ng kaunting katahimikan ngayon kasi hindi niya alam ano pang iisipin.

Kinuha nya ang bag saka lumabas ng bahay. Pupunta sya sa opisina ng papa niya. May pag-uusapan daw silang dalawa na importante na hindi niya alam kung ano.

Dumiretso sya sa opisina. Sinalubong siya ni Stephen pagkalabas nya ng elevator. Nagtatanong ang mga mata nito.

"Si papa?" tanong niya

"Nasa loob. Mukha ngang galit na seryoso na badtrip. You two fought?" sagot at tanong pabalik ni Stephen

Umiling siya. "Hindi. Pinapapunta niya ako."

"Kung ganun, pumasok kana."

Eto na nga e

Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok. Nag-angat ng tingin ang papa niya. Mas lalo itong sumeryoso.

"Bakit ho pa? Ano pong pag-uusapan natin?"

"Alam kong nagkikita parin kayong dalawa, Celestine." panimula nito sa seryosong boses. Nagbaba sya ng tingin. "At alam ko narin na alam mo na kung bakit ayoko sa lalaking yun."

Nanatili siyang tahimik at nakababa ang tingin.

"I'm hoping you understand now kung bakit ngayon kitang ipakasal sa iba."

Mabilis na umangat ang mukha nya. Nanlalaki ang mga mata nyang napatingin sa papa niya.

"P-pa?"

"Sa anak ng mga Madrigal. Mapapangalagaan ka nila dahil kaaway sila ituring ng mga Courner. Kapag nalaman nila na fiancé mo si Callisto. Hindi papayag si Alexander."

Umiling siya. "Kailangan ba yon Pa? Ayokong magpakasal kay Callisto. Hindi ko siya mahal!" naiiyak niyang protesta

Tumayo ang papa niya at nilapitan siya. Malambot ang mga titig nito. "Alam ko, anak, pero wala na akong ibang pagpipilian."

Tatlong katok ang narinig nya sa pinto bago iyon bumukas. Lumingon siya. Isang maliit na ngiti ang ibinigay ni Callisto sa kanya.

"Hello, C. Long time, no see." bati nito. "Lalo kang pumangit."

Sumama ang tingin niya dito. Kaibigan nya noon si Callisto. Una silang nagkakilala nung kulang pa ngipin nito. Ngayon pa lang ang una nilang pagkikita matapos umalis si Callisto para mag-aral sa ibang bansa. Ang laki na niya. Ang laking hayop na.

"We'll go now, Sir." paalam ni Callisto

Tumango ang papa niya. Hinawakan siya ni Callisto at hinatak palabas.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito nang makarating sila sa elevator

"Bakit ka pumayag?!" asik niya. "Ayoko sayo!"

"Same vibes." bagot nitong sagot

"Bakit nga?"

Sumulyap sa kanya si Callisto. "Hindi ba ipinaliwanag ni Mr. Villanueva sayo ang plano?"

Kumunot ang noo niya. "Anong plano?"

"It's a fake engagement. Actually, walang marriage na magaganap. We'll just wait for the Courner to finish their selection of wives. Kapag nakasal na sa iba ang tagapagmana nila. We're okay." paliwanag nito

Kapag nakasal sa iba?

Nag-iwas sya ng tingin. Wala na ba talagang paraan? Hiwalayan na lang ba talaga kasi hindi pa sila nakakapagsimula. Mabuti pa noong parehas silang bwisit sa isa't-isa. At least, magkasama sila at walang problema.

"Wala na bang...ibang choice?" bulong niya

"You can stay with him. Lima nga lang kayo sa kama. How about that?"

Sa gigil niya, nasuntok niya sa braso si Callisto. Wala paring kwentang kausap ang hayop na to. Hindi na dapat to tumapak sa bansang to e.

"H-hindi ko alam kung bakit. Bakit may ganon sa pamilya nila. Bakit kailangan magkaroon ng maraming...." hindi niya maituloy ang sinasabi niya

"Greed. More wives, more power. More in line to their fortune as if it's a throne to an empire. Makapangyarihan na sila. Maimpluwensya. Mapera. Kaso hindi padin sapat." kaswal na sagot ni Callisto. "You know, I honestly thought Alexendris would break their rules. I was wrong. Very wrong."

Lumingon si Callisto sa kanya. "Because just like his father. He fell in love too."

No EscapeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ