CHAPTER SEVEN

13K 340 37
                                    

CHAPTER SEVEN

MADIDISLOCATE NA ATA ang panga nya kakagalaw para lang mabawasan ang nag-uumapaw nyang inis sa lalaki. Dinala lang pala sya sa bahay nito para magluto?

Ang tigas nya!

Ang tigas ng mukha!

Kahit na gusto nyang patulan ang lalaki. Pinili nya na lang na magluto. Wala syang choice. He kept on threatening her na ikukulong sya dahil sa pagtre-trespass at panunuhod nya.

"Matagal pa ba yan?"

Sinulyapan nya ito na nakaupo sa highstool. Nakaharap sa laptop at nagtitipa. Sinamaan nya ng tingin si Alexendris kahit hindi naman sya nakikita nito.

"Maghintay ka dyan. Ano sa tingin mo ang pagluluto? Ilalagay lang lahat tapos pakukuluan tapos okay na?" sarkastikong sagot nya

"Stop nagging. I am just asking." matalim nitong sagot pabalik

"Wag ka mag-ask para di ako mag-nag!" asik niya

"Goddamn it!" mahinang usal ng binata sa sarili

Celestine rolled her eyes. Ibinalik nya ang tingin sa niluluto na malapit naman nang matapos. Gusto niya lang asarin ang binata. Ganti man lang sa pangbwibwiset nito.

Pinatay nya ang kalan nang matapos magluto saka nilingon ang katulong ni Alexendris na nasa gilid. Nag-aantay kung may ipapagawa.

"Teh, penge plato." aniya

"Sige po Ma'am." tumalima ito at inabutan sya ng plato. "Ako na po dyan ma'am."

"Wag na po. Kaya ko na to." tanggi niya

"Let her do it. It's her job." singit ng lalaki

"Manahimik ka dyan!" asik niya

"The fuck?!"

Nagkukuda pa ang lalaki. Nagtengang kawali na lang sya habang nagsasalin ng pagkain sa plato saka inilagay sa lamesa, sa harap ng nakabusangot na mukha ng binata.

"Di ka ba marunong ngumiti? Nasa harap ka ng pagkain ganyan itsura mo?" sermon nya

Sya na ang naglagay ng plato pati narin kubyertos sa harap nito. Kumuha narin sya ng kanya saka naupo kaharap nito.

"Smile at the food for what? For respect because I am going to consume it later." He said sarcastically

"Kung ganyan kang haharap sa hapag-kainan sa bahay namin. Baka nakaltukan ka ni mama." napailing-iling sya

Celestine saviour every piece of meat na nginunguya nya nang mapansin nyang bahagyang natigilan si Alexendris. Literal na-stuck ang kamay nito na akmang sasandok ng pagkain.

"Okay ka lang—"

"If you want to go home. Go home."

Napakurap sya sa bigla. Nawala lahat ng emosyon sa mukha ng lalaki. Binitiwan nito ang kubyertos na naglikha ng ingay sa tahimik na paligid.

Alexendris stood up and was about to leave nang hawakan nya ang braso nito.

"T-teka!"

Alexendris piercing eyes bore at her. Blangko sa emosyon ang lalaki kaya hindi niya malaman kung galit ba ito o naiinis. He's always hot-headed. He shall be cursing again or something. Hindi ganito.

"Don't worry. My chaffeur will drive you ho—"

"Hindi yon!" pigil niya

"Then what?!" angil niya

Nakahinga sya ng maluwag nang marinig na ang naiinis nitong boses. Ito ang normal dahil dito sya sanay.

"Masamang talikuran ang pagkain kaya umupo ka dyan." tumayo sya at nameywang. "Pinaghirapan ko yang lutuin tapos tatalikuran mo lang ako!"

No EscapeWhere stories live. Discover now