CHAPTER THIRTY SIX

9.4K 269 34
                                    

CHAPTER THIRTY SIX

Mariin ang mga tingin sa kanya ni Alexendris simula nang makaalis ang kapatid at ama nito kaninang umaga. She crossed her arms saka tinaasan ito ng dalawang kilay.

"Bakit ganyan na naman ang tingin mo?" tanong niya.

"Nothing. I just love you, that I'm afraid you would leave me soon," saad nito.

Nameywang siya. "Hindi ba ini-explain ko na sayo? Bakit nagdududa ka pa rin?" tanong niya.

"Because you're unpredictable, Celestine. I can't guess whatever that runs in your mind. I can't help but overthink, that you'll soon realize it's not worth it. I am not worth it," mababa ang boses na sambit nito.

Napabuntong-hininga siya saka nilapitan ang binata. Inabot niya ang mga kamay nito.

"'Wag ka na mag-overthink. Hindi naman kita iiwan. Mage-effort ba ako magmaldita sa mga babae mo kung aalis din ako?" saad niya. "Kahit na dead-end na. Gagawa pa rin ako ng paraan para sa 'tin."

Hinaplos ng binata ang pisngi niya. He kissed her forehead softly. "I'll do everything too. I promised myself that I won't let any women suffer the way my mother did."

"At naniniwala ako sayo. May tiwala ako sayo, Alexendris,"

Yumakap siya nang mahigpit sa binata. Ilang segundo silang ganoon lamang hanggang sa marinig niya ang ringtone ng cellphone niya. Kinuha niya ito at tinignan.

Nanlaki ang mga mata niya. "Si Papa!" bulalas niya.

Bahagyang natigilan si Alexendris. Napansin niyang napalunok pa ito.

"Why?" tanong nito.

Nag-angat siya ng tingin dito. "Yari ka daw."

Saglit na napangiwi ang binata. "It's okay. I'll talk to your dad. It's my responsibility. I took home his daughter."

"Sure ka?" tanong niya. "May shotgun 'yon sa bahay. Matagal niya nang hindi nagagamit. Baka pagpraktisan ka."

Napalunok uli ang lalaki saka nag-iwas ng tingin. "It's...okay. I can handle it," saad nito.

Hindi niya napigilan ang sarili at napahalakhak sa itsura ng binata. Akala mo kasi nahatulan ng death sentence.

"Joke lang! May iba nang gagawa 'non huwag kang mag-alala. Hinga na. Baka mahimatay ka riyan," natatawa niyang saad.

Kumunot ang noo nito. "Who?"

"Ah, basta. Kaya niya 'yon. Ako nang bahala. Pahinga kana." Ngumiti siya nang malapad. "Napagod ka kagabi, eh."

Kahit nagtataka pa ang binata. Tinulak niya na ito sa kama. Tumabi siya ng higa rito at yumakap. Hinintay niyang makatulog si Alexendris bago siya dahan-dahan na umalis sa kama at nagtungo sa veranda. Isinara niya ang sliding door.

"Hello, ho!" bati niya sa kabilang linya.

"In the middle of the night, Celestine?..." striktong tanong ng lalaki.

"Tumawag ho sa 'kin si papa at alam niyang nandito ako sa bahay ni Alexendris. Sure ako pagagalitan ako 'non."

"So?..."

Napapikit siya ng mariin. Manang-mana ni Alexendris ugali nito. "Kayo na ho ang magpaliwanag kay papa dahil hindi 'yon maniniwala sa 'kin," saad niya.

"You're in your twenties. He'll believe you. I have a lot of things to do—…."

"Sumbong kita sa anak niyo na kinuntyaba niyo 'ko!" banta niya. No choice na siya, eh. Ang tigas din ng bungo ng papa ni Alexendris.

"Alright, young lady. Let me sleep now…."

Napangiti siya ng malapad. "Sleep well, ho."

Masaya siyang bumalik sa kama at niyakap uli ang binata. Mission accomplished!


Tulad nang inaasahan niya. Hindi na siya kinulit pa ng papa niya o pinagalitan. Neutral na naman ito tulad ng dati nang kausapin siya kaninang umaga.

'Yun nga lang ay pinapauwi siya sa susunod kasama si Alexendris at ang papa nito para sa masinsinang usapan.

Kumakain siya ng fried chicken leg habang nanunuod ng horror sa entertainment room nang makarinig ng komusyon sa labas.

Likas na siyang tsismosa kaya kahit may hawak siyang manok tinungo niya pa rin kung saan nanggagaling ang ingay.

Nanlaki ang mga mata niya. Si Sunny! Kinakaladkad!

"Let me go! Let me go!" Nagsisigaw ito habang kinakaladkad ng dalawang naka-suit na lalaki.

Lumabas siya at nilapitan ang mga ito. "Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong niya.

Lalong lumaki ang mga mata niya nang humarap ang pangatlo sa mga lalaki. Siya yung blonde guy na nakita niya sa building ni Alexendris noon! Yung pinagtanungan niya ng direksyon.

"I-ikaw!"

"I'm one of Mr. Alexander Courner's men. I am here to take the third wife. She's not qualified anymore," pahayag nito.

"Hindi na qualified?" nagtatakang tanong niya.

"Her father was accused of me stealing. The Courner's reputation is very important. Having a thief's daughter as the heir's wife is the last thing the family wants. If you excuse me, Lady Celestine." Nilagpasan siya nito para sundan si Sunny.

Kumunot ang noo niya. Impluwensya nga lang talaga ang habol ng pamilya ni Alexendris sa mga asawa nito. Kaya kapag nawalan ng impluwensya o nasira ang reputasyon ng babae. Automatik evict sa bahay.

Dala-dala ang manok sa kamay niya. Sinundan niya sina Sunny at si Mr. Blondie Guard. Nakasilip siya may pintuan.

Ngayong wala na si Sunny. Iisa na lang ang nasa bahay.

Napalingon siya sa likod niya nang may tumikhim. Napatingala siya sa lalaking nakatayo sa harap niya na may mga gintong mata. Napaka-intimidating nito.

"S-sino ka?" tanong niya.

Kaswal na umangat ang kamay nito para makapagshake hands. Nanatili siyang tulala rito. Ngayon niya lang ito nakita.

"Alessandro Forfax," sagot nito. Sumulyap ito sa paparating na si Alexendris na seryosong-seryoso. "That ill-mannered kid's friend."

"Your hand Forfax. I might chop that off," banta ni Alexendris na kakarating lang.

Lumapit siya sa binata at nagtago sa likod nito. Napakanerve wrecking naman kasi ng lalaking 'to. Parang yung masungit mo na kuya. Yung nangangaltok kapag nabadtrip.

"One is done. One more to go. I'm expecting you in Collins' house, Courner. Hindi mo naman gustong sunduin pa kita," saad nito.

"Just fuck off! I keep my words. I'll rejoin,"

"There's no word as rejoin, Courner, because you were never gone." Seryosong-seryoso ang mga mata nito. 

"We are never gone,"

No EscapeWhere stories live. Discover now