CHAPTER FIFTEEN

11.6K 358 50
                                    

Their music in multimedia❤️ Bagay sa kanila. You can play it while reading.

CHAPTER FIFTEEN

HINDI NA SYA MAPAKALI SA suit nila dahil wala parin si Alexendris ngayon. Maga-ala sais na ng gabi pero ni anino. Hindi niya mahagilap.

Napasalampak siya uli ng upo sa sofa. Gusto nyang tumawag na ng tanod o kahit sino na kayang tulungan sya maghanap pero malaki na si Alexendris. Alam nyang kaya niya na ang sarili—

Pero nag-aalala parin sya!

"Nakakaparanoid..." bulong nya

Iniisip niya kung ano ang nangyari at biglang nag-iba ang mood ng binata. Basta na lang umalis at naglaho. Akala mo bula.

Sa kakaisip niya. Nakaidlip tuloy sya. Nagising na lang sya ng makarinig ng kalabog sa pinto.

"Alexendris!"

Nanlaki ang mga mata nya ng muntik-muntikang matumba sa kanya ang lalaki. Amoy nya kaagad ang alak dito.

"Fuck... Hold me. I'm gonna fall..."

Inalalayan nya ito papasok sa loob ng kwarto. Kahit hirap na hirap siya dahil sa bigat nito. Nang malapit na sila sa kama. Tinabig sya nito saka kusang dumapa sa kama.

"Bakit ka ba naglasing? Saka saan ka pumunta? Bigla ka na lang nawala! Ano bang nangyari?" sunod-sunod nyang tanong

"Dami mong tanong!"

Napailing na lang sya. Iniwan nya sa kwarto ang binata para kumuha ng bimpo. Walang planggana kaya binasa nya na lang saka binalikan ang lalaki.

"Tayo! Bago kita sipain dyan."

He groaned. Hinila nya ang braso nito para mapaupo. He's eyes were sleepy while staring at her. Hinawakan nya ang baba nito para mapunasan nya ng maayos ang mukha saka tinanggal ang pang-itaas nito para mapunasan ang katawan.

Maiinit sa katawan ang alak kaya sure sya na magiging iritable ito mamaya kahit pa naka-aircon sila. Pansin nya lang na pawisin si Alexendris.

"Oh. Palitan mo yang jeans mo. Babalik ako."

Nilabhan nya muna ang ginamit na bimpo at isinampay sa banyo saka pumunta sa kwarto. Hindi na jeans ang suot nito pero wala paring pang-itaas.

"Bakit di ka pa nagdadamit?" nakakunot-noong tanong nya

"Ayoko."

Marahas syang napabuga ng hangin. Kung hindi lang dahil lasing to baka napingot nya ito.

"Magdamit kana! Gusto mo makaltukan na hinayupak ka? Paano kung magkasakit ka sa baga ha?"

"Ayoko padin."

Napasabunot sya sa buhok sa sobrang inis. Kaunting-kaunti na lang mapapatid na ang pasensya nya.

"Alam mo ikaw! Makakaltukan talaga ki—"

Natigilan sya ng bigla syang hilain at yakapin. Ibinaon nito ang mukha sa tyan nya. Nakaupo kasi ito sa dulo ng kama habang sya ay nakatayo.

"How dare you don't like me? Huh? How dare you woman.."

Humigpit ang yakap nito. Damang-dama nya ang init ng hininga nito sa tyan nya kahit pa may damit sya.

"I hate you... I really hate you.."

"Lasing kana. Matulog kana dun." tinanggal nya ang pagkakayakap nito

He let her slipped. Nakatitig ang bughaw nitong mga mata sa kanya. Napaatras sya ng tumayo ito.

"O-oh! Ano na naman yan!" nauutal nyang sita

No EscapeWhere stories live. Discover now