CHAPTER ONE

22.4K 435 26
                                    

NAPANGIWI siya dahil sa mahigpit na hawak ng lalaki sa braso niya. Celestine tried pulling her arm to no avail. He is holding her tightly.

"B-bitiwan mo 'ko!"

Instead of freeing her, mas lalo lang dumiin ang pagkakahawak sa kanya ng estranghero. Para nang mababali ang braso niya.

"How did you get inside my house?"

"Bitiwan mo muna ako! Masakit!" reklamo niya.

She kept pulling her arm and telling him to let her go pero mistulang bingi ang lalaki. Ayaw pa ring bitiwan s'ya. He's really bad. Tama nga ang tsismis. Pinagsisihan n'ya na pumasok pa siya sa rito. Ito tuloy ang napala niya.

"Sagutin mo 'ko!" the man demanded.

"Paano kita masasagot kung parang puputulin mo na ang braso ko? Let go!"

Nakahinga s'ya nang maluwag nang sa wakas ay binitiwan din nito ang mahigpit na hawak sa braso niya. She caressed her sore arm. Thankfully, mukha namang walang nabali sa buto niya.

"Are you one of those women who kept invading my privacy?"

Mabilis siyang umiling. He got it wrong. Aminado naman siyang tsismosa siya pero hindi naman 'yung tipo na aalamin pa kahit pinakapribadong buhay ng tao. Nagkataon lang na akala niya nilooban ito kaya pumasok siya sa loob ng bahay nito.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" tanong nito. Nanliliit ang bughaw na mga mata.

"Nakabukas kasi ang gate mo. Akala ko...nalooban na kayo kaya pumasok ako para i-check," paliwanag niya.

Napanguso siya at yumuko nang lalong tumalim ang mga mata ng binata. He looked like he wasn't believing her.

Wala naman siyang pake kung maniniwala ito o hindi. At least, naipaliwanag niya ang side niya rito.

"You could've call the police to check, not by yourself!" asik nito.

Sumama naman ang mukha niya sa tono nito. Kung makapagsalita kasi parang pinapalabas na gumagawa lang s'ya ng excuse para makaalis na.

"Bakit ka pa nagtanong kung 'di ka maniniwala? Concern na nga ako sa'yo, pinapagalitan mo pa ako!" Umismid siya.

"I don't need your concern!" he spat.

Laglag ang mga panga niya dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Pagak siyang natawa. Tama nga ang sinasabi ng mga tao tungkol sa lalaking 'to. He's ruthless, arrogant and cruel man who doesn't know how to be grateful. Contrast to his face, he's bad in the inside.

"Imbes na magpasalamat ka, you're telling me that? Buti nga naisipan ko pa na i-check ka! Sama ng ugali nito!"

Pabulong ang pagkakasabi niya sa huling linya pero narinig pa rin ng lalaki. His sharp eyes looks like it's ready to fire bullets at her.

"What did you say?"

Celestine averted her eyes. Kailangan n'ya na yata tumakas. Looks like he's going livid.

"Wala!"

Tumalikod siya at lumakad palayo pero hindi pa siya tuluyang nakakalayo nang hawakan siya nito sa braso at hinila. Napasinghap siya nang muntikan na siyang masubsob sa dibdib nito. Her heart react wildly.

"Liar. I heard you loud and clear. Masama ang ugali ko?"

Nagtaasan ang mga balahibo niya nang marinig ang mahinang pagtawa nito. His laugh is not just like any other normal laugh. 'Yung nakakatakot. Parang may gagawin. Napalunok siya.

"I am really bad, and I don't let anyone who insult me getaway from it."

Nanigas ang mga binti niya nang hawakan nito ang magkabilang baywang niya. His big hands wrap around her waist perfectly and even with her clothes still on, she can feel his warm hands.

No EscapeWhere stories live. Discover now