CHAPTER THIRTY TWO

9.1K 229 18
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

TINITIGAN nya si Callisto.

"Bakit parang ang dami mong alam?" nagtataka nyang tanong

Tumingin uli sa harap si Callisto at namulsa. Hindi mo makitaan ng interes sa mukha nito habang nagkwe-kwento sa kanya.

"Kaaway sila at kinikilala ang kaaway. Hindi mo maiintindihan kasi mahal mo." nababagot na sagot nito

Bumaling din siya sa harap at tinignan ang pagbaba ng numero. "Yung sinabi mo kanina. Anong ibig sabihin nun?"

Ilang segundong tahimik si Callisto, bago uli nagsalita. "Have you heard about Alexendris' mother?"

"Alam kong wala na ang mama niya. Bukod doon wala na." sagot nya

"Merong isang paraan para baliin, or should I say, ipasa sa pangalawang panganay ang legacy ng mga Courner. That is to never date any woman romantically." paliwanag ni Callisto. "Alexendris' father fell in love with Liara. Alexendris' mother. Just like how he fell in love with you, C."

"Ano?"

Marahas na nagbuga ng hangin si Callisto. "Hindi mo parin ba naiintindihan? Alexander loved and married Liara, and now, Alexendris love you." parang nandidiri pang sagot nito. "They can keep the woman they love as they keep the legacy alive. Like a business deal. It's either bibitawan ka ni Alexendris para hindi matuloy ang legacy at maipasa or he will stay with you but continue the legacy."

Hindi na siya nakaimik. Nakuha nya na ang ibig sabihin ni Callisto.

"When I said I thought Alexendris would break the rules. Akala ko hindi siya mahuhumaling sa isang babae but I was wrong. Katulad ng nangyari sa ama niya. He fell in love with you like how his father fell in love with his mother." umiling-iling siya. "Love. How I hated that word."

Kumunot ang noo niya ng hawakan ni Callisto ang kamay niya. "Anong ginagawa mo?"

Sumuot ang kamay nito sa bulsa saka inilabas ang singsing na ikinalaki ng mata niya. Isinuot niya sa daliri ang singsing.

"Props lang yan." pinagsiklop ni Callisto ang kamay nilang dalawa. Lalong lumaki ang mga mata nya. "Ready?"

Bumukas ang elevator. Tumingin kaagad sya sa harap. Natigilan siya ng makita si Alexendris na nakatayo. Malalamig ang mga mata nito na nakatingin sa kanila. Bumaba ang mga mata nito sa kamay nila. Gusto niyang sipain si Callisto dahil hinatak siya nito palabas ng elevator.

Hindi gumalaw sa kinatatayuan si Alexendris. Kahit pa lumiko na silang dalawa ni Callisto. At maging sa makasakay sya sa kotse nito. Hindi ito sumunod. Kinakabahan sya dahil bago lagi ang makakita ng Alexendris na hindi nagre-react. Walang violent reaction. Hindi normal dito na laging nakaangil.

"You'll sleep at my house tonight. Wag ka nang umangal. Marami akong guestroom doon."

Flashbacks...

"Hoy! Tama na yan. Hindi ka pa kumakain." awat nya nang magbukas na naman ito ng bote

"I'm used to this. It can't hurt me anymore." He murmured

This time. Alam nya nang lasing na lasing na ang lalaki. Natatawa na lang sya ng pilit na binubukas nito ang mata na kusang sumasara.

Tumayo sya para sana agawin ang bote pero kusa nya na iyong binaba. He looked to her. Mag kasing pantay lang sila kahit pa nakaupo ang binata dahil high stool ang inuupuan nito kaya nagtagpo kaagad ang mga mata nila.

"But i am not used to you." he said

Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Huh?"

"You can hurt me."

...

Ibinaon nito ang mukha sa leeg nya habang ang mga braso ay nakapulupot sa bewang nya. Para bang nanghihingi ng comfort. Hinaplos niya ang buhok nito.

"I'm tired, Celestine.."

Lumamlam ang mga mata nya. "Sige na. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag kakain na."

Akmang tatayo sya ng humigpit lalo ang yakap nito sa kanya. Ramdam nya ang init ng katawan nito. Senyales na masama ang pakiramdam nito.

"A-Alexendris..."

"Please... Don't leave me." His embraced tightened around her. "Stay.."

"Please stay..."

NAUPO siya sa sofa niya. Kinabukasan, umuwi din siya sa bahay niya matapos niya matulog sa bahay ni Callisto. Akala niya maabutan niya si Alexendris sa bahay pero hindi ganun ang nangyari.

Isang linggo nang nawawala ang binata. Hindi na pumapasok sa opisina dahil tumawag sa kanya yung bagong sekretarya ni Alexendris.

Matagal na pala niyang tinanggal si Hera. Nung huling araw na nagkausap sila ang araw kung kelan tinanggal siya.

Tumawag ang din papa ni Alexendris sa. Hinahanap din. Dun siya nag-alala. Paano kung may nangyari nang masama sa hinayupak na yon?

Kung anu-ano pa naman ang pinagagagawa nun kapag lasing

Sumandal siya. "Nasaan kana bang lalaki ka?" bulong niya

Makukutongan niya talaga yun kapag nagpakita e. Dinampot nya ang cellphone at nagtipa. Naghintay sya ng ilang minuto pagkasend bago siya tumawag. At sa unang pagkakataon. Sumagot din!

"Nasaan ka ba? Ilang araw ka nang wala! Alam mo bang nag-aalala ako sayo—"

"I'm hurt..."

Natigilan siya sa pagsasalita.

"I'm tired.... I'm lonely... I don't want this... I just want you..."

Pinahid niya ang mg luha na pumatak na pala. "N-nasan ka? Umuwi kana. Nag-aalala ako." Kahit anong sakit. Nangingibabaw padin ang pag-aalala niya.

"I deserved this because I have a fucked up life. You can keep him, just please Celestine... Please, don't marry him... I can't... I can't handle the pain..."

Tuloy-tuloy na nalaglag ang mga luha sa mga mata niya. "A-ano b-bang pinagsasabi m-mo? Nasaan ka ba? Umuwi k-kana, okay?" kahit basag ang boses niya. Nagpaka-kalma padin siya.

"I'm sorry for being selfish... I just... I just love you so much Celestine..."

"Alexendris, nasaan ka? Umuwi kana, please. Hindi na ako galit. Sige na. Umuwi kana. Wag mo kong pag-alalahanin ng ganito." pakiusap niya

"I love you..."

Napapikit siya. "Mahal din kita, okay? Umuwi kana, please?"

Katahimikan ang sumagot sa kanya. Mas lalo siyang napaparanoid. Huminga siya ng malalim.

"Umuwi kana, please? Di ba sabi mo aayusin mo to? Kung ganun, umuwi kana sakin dahil aayusin mo pa to, Okay?"Aayusin pa natin to. Tutulungan kita.

"Okay..."

Nakahinga siya ng maluwag. Nangako na uuwi si Alexendris bago nawala sa linya. Ilang minuto ang hinintay niya bago may kumatok sa pinto. Bumungad sa kanya si Alexendris. Nakayuko at amoy na amoy ang alak.

"Saan ka galing?" tanong niya

"Condo."

Nag-angat ito ng tingin. Natigilan siya ng bigla siyang niyakap ng binata. Hinaplos niya ang likod niya. He hugged her even tighter.

"I love you so much, Celestine." bulong nito. "Hindi ko sinasadyang saktan ka. I just...want to keep you."

"Oo, alam ko. Naiintindihan ko."

Napapikit na lang siya ng haplusin ng binata ang pisngi niya. Nagpaubaya ng simulan siyang halikan nito ng mariin at mabagal.

Hanggang sa maramdaman niya ang pagbagsak ng mga damit niya sa sahig.


A/N: Maraming salamat sa mga nag-vote at sa mga nagco-comment. Love you guys❤️

No EscapeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz