CHAPTER FOUR

14.6K 348 19
                                    

CHAPTER FOUR

NAGISING SI Celestine dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Kahit ayaw pa niyang dumilat. Nagbukas sya ng mga mata.

She felt like her heart just stopped nang marealize nyang tao ang nakadagan sa kanya. Hindi lang pala basta tao.

It's him!

Tila nanigas sya sa kinahihigaan. Gusto niyang itulak ang binata na nakadikit ang pisngi sa dibdib niya. Below her collarbone. Ngunit hindi niya magawa dahil ramdam niya ang payapang paghinga nito. Indicating that he's fast asleep.

He's really laying at her. Hindi niya alam kung paano sila napunta sa ganoong posisyon. Kanina lang sya ang nakahiga tapos ngayon nakadagan na sya sa kanya!

Wala sa sariling umangat ang kamay niya at hinaplos ang likod nito. She doesn't know if she's waking him up or something. Hanggang sa lumapat ang mga daliri niya sa buhok nito.

He moaned, still asleep, when she run her finger through his hair. Alexendris looked like a baby with his face on her chest. Sana lagi na lang itong tulog.

Muli niyang ipinikit ang mga mata. She let her fingers on his hair hanggang sa di niya namalayan na nakatulog uli siya.

Nang magising sya sa pangalawang paggising nya. Wala na ang binata pati ang attache case nito. Tila para itong bula na naglaho. Napaupo na lang sya sa sofa.

"Finally. My peace." bulong niya

Ilang saglit muna syang pumikit bago tumayo at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape. Maya-maya lang ay papasok na siya sa trabaho.

Naupo siya sa upuan sa kusina habang humihigop ng kape ay binuksan niya ang cellphone para icheck kung may nag-text ba sa kanya.

She was silently thanking that there's no message there na galing kay Alexendris. At least, payapa na ang mundo niya. She's wishing na sana hindi na ito magpakita pa.

So her life would go back from what it was.

CELESTINE STARTED her day with a smile. She's a house sales agent. Nakadepende sa maibebenta nya ang kikitain niya. Kung susuwertihin pa siya. Malaki ang makukuha nyang komisyon kaya kailangan nyang makabenta ng marami.

Hindi na niya namalayan ang pagtakbo ng oras. Nang makaramdam ng pagod. Saglit syang naupo at chineck ang cellphone niya.

Nawala ang ngiti niyang ng makita ang isang text mula sa number na gamit ni Alexendris. He wants her to brought him lunch.

Hindi ba siya marunong mag-order ng pagkain? Bakit kailangan ako pa?

Dinial niya ang number nito. He immediately answered.

"Bakit ako? May trabaho ako. Wala ka bang secretary dyan?" naiinis nyang tanong

"You proposed to me that you'll do anything in order for me not to sue you. Nakalimutan mo ba?..."

May inis sa boses nito na gusto nyang sapawan. Mariin syang pumikit. Bakit nga ba naisip nya yon? She could've think much more better deal!

"Cooked me food. I'll send you the address..."

Lumaki ang mga mata nya.

"Cooked? Nasa trabaho ako!"

"I don't care. I want my food now..."

Nanggigil pa siya at gusto itong pagmumurahin ng ibaba na nito ang tawag. Naihilamos niya ang palad sa mukha. He's an asshole!

Bumaba ang tingin niya sa cellphone ng tumunog ito. It's Alexendris. He texted her the address. Nag-reply siya kaagad dito, asking how to find the place.

No EscapeWhere stories live. Discover now