CHAPTER TWENTY SEVEN

9.8K 293 48
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

INILAPAG niya ang hawak na bag sa sahig at sumalampak sa sofa. Di pumayag ang papa niya na umuwi siya dito. Nag-away pa sila pero kalaunan nanalo din siya.

Kinakain na siya ng curiousity. Malakas ang kutob nya na may kinalaman yung sinabi ni Hera sa kanya sa rason kung bakit ayaw ng papa niya kay Alexendris.

Ano kaya yon? Bakit ngayon pa kung kelan may pagkakaunawaan na sila ni Alexendris. Kung kelan mahalaga na sa kanya ang lalaki.

Kinuha nya ang cellphone para magreply kay Ericka. Updated yung dalawa sa problema niya. Ipinaalam niya di lang dahil kailangan nya ng payo ngayon ng kaibigan. Para narin magkaron ng clue. Baka may alam yung dalawa sa kung anong sinasabi ng papa niya.

Nag-angat siya ng tingin sa pinto nang may kumatok. Ambilis namang dumating ng dalawa. Napakurap siya pagbukas ng pinto.

"A-ano hong ginagawa niyo dito?" nagtatakang tanong niya

"I'm looking for my son. Nandito ba sya?" malumanay na sagoy ng papa ni Alexendris

Napakamot sya sa ulo. "Wala po siya dito." sagot niya

Binuksan niya ang pinto para papasukin ang papa ni Alexendris. Naupo sila sa sofa.

"Ilang araw nang nawawala ang anak ko. He's not in the office or anywhere. Naisip ko lang baka nandito siya since I heard you two is in relationship."

Bahagyang kumunot ang noo niya. Napaano nalaman yun? Isang araw pa lang sila naging official tapos nagkagulo pa kaagad. Hindi na siya nagtanong.

"Hindi ho kami maayos." diretsong sagot niya

Nalukot ang noo ng kausap niya. Nagtatanong ang mga mata.

"Hindi ko inaway anak niyo ah." depensa niya kaagad. "Hindi ho sila okay ni papa."

"Why?"

Ilang segundo siyang tumahimik. "Hindi siya gusto ni papa para sakin dahil sisiraain lang daw ako ng batas sa pamilya ninyo...."

Sumeryoso ang mga mata ng papa ni Alexendris saka bumaling sa harap ang tingin.

"It's expected."

"Ano ho ba ang tinutukoy ni papa? Kasi hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang katutol si papa—"

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang tumayo bigla ang kausap niya. Napatayo rin siya.

"We'll talk again some other time Celestine." saad nito. "Call me if he comes back, I knew he will."

Napameywang na lang siya ng umalis kaagad ang papa ni Alexendris. Hindi man lang siya pinagsalita. Marami pa siyang tanong e. Nakakainis. Kinakain na siya ng mga tanong sa isip niya.

Kapag ganito pa naman. Kung ano-ano ang naiisip niyang katangahan. Tulad na lang kung paano sila nagkakilala ni Alexendris. Humanda talaga ang lalaking yun sa dami ng tanong niya.

Maya-maya lang dumating din si Ericka at Van. Tulad nga ng sabi niya kanina balak niyang magpa-advice sa kanila pero nang nakita niyang namumugto ang mga mata ni Ericka.

Sige. Siya muna maga-advice.

Napakamot siya sa ulo. "Ano ba kasing nangyari?" tanong niya

"He's not replying anymore. Napapansin ko na. Nung una pa lang na sinasadya niyang wag akong kausapin. Kasi ayokong mag-isip ng kung ano-ano na makakasira sa relasyon namin hanggang sa umamin siya sakin. He's not happy with me. I told him, we'll fix this kasi malayo kami sa isa't isa but he refused me."  napaiyak si Ericka habang nagkwekwento

No EscapeWhere stories live. Discover now