CHAPTER THIRTY

10.3K 249 55
                                    

You can listen to "Hurts So Good" by Astrid S in the multimedia👆


CHAPTER THIRTY

MALAKAS na tumibok ang puso niya sa narinig niya galing kay Alexendris. When he cupped her face and kissed her. Hinayaan niya ngunit nanatiling bukas ang mga mata nya.

"Don't look at me like that." mahinang reklamo ng binata

Napansin nyang namumula ang mga pisngi nito. Tinakpan nya ang bibig. Bahagya kasi siyang natatawa. Si Alexendris nagblu-blush.

"Ang cute mo."

Sinimangutan lang sya ng binata. Sinapo niya ang magkabilang-pisngi nito. Natawa na naman sya.

"Grabe. Ganito mo ba ako kamahal?" natatawang tanong niya

Naasar na tinabig ni Alexendris ang kamay niya. Nag-iwas ng tingin sa kanya ang binata. Inabot nito ang plato saka kutsara para mag-isang kumain. Mahina naman syang natawa.

"Uy! Parang di mabiro. Mahal mo naman talaga ako diba? Inamin mo nga."

Pabiro talaga ang nais niya pero naging labas nang-aasar ang sinabi niya dahil hindi niya mapigilan ang tawa nya. Kinalabit nya ito sa braso.

"Uy!"

"Don't talk to me!" asik nito

Pagak lang nyang tinawanan ang nobyo. Tumayo siya saka niyakap sa likod ang binata. Nabigla naman si Alexendris at hindi kaagad nakagalaw.

"Nagtatampo naman kaagad baby ko. Nilalambing ka lang e." masuyo nyang sambit

Umismid si Alexendris. Hindi naman tinanggal ang yakap niya. Halatang gusto den.

"It's not. It's teasing woman." mariing laban ni Alexendris sa kanya

"Lambing narin yon!" depensa nya

Umismid na naman ang mga labi ng binata pero hindi na nagsalita. Kumalas sya sa pagkakayap para abutin ang kape niya.

"What are you doing?" kunot-noong tanong nito

Akala mo e may ginawa syang napakalaking pagkakamali. Tinaasan nya ng kilay.

"Yakapin mo lang ako."

Parang batang nagtatampong utos nito. Ang pag-awang ng labi niya ay nauwi sa halakhak. Sumimsim muna sya ng kape saka umupo tabi ng binata. Sa tagiliran niya ito niyakap.

"Ang init talaga ng ulo mo, e no. Magkakape lang e. Subuan mo nga ako." utos niya

Sinunod din naman ni Alexendris.



NAUPO siya sa bench. Malapit lang to sa building ng papa niya. Hindi sila pwedeng magkita ng papa niya. Ilang minuto lang naman ang aantayin niya. Malapit ng mag-alas dose. Excited na syang kumain ng maraming fishball ngayon.

Nagmumuni-muni siya habang nag-aantay. Naka-headphone siya kaya hindi niya napansin ang babae sa gilid niya. Bahagyang lumaki ang mga mata nya.

"Hera?!"

Napatayo siya sa upuan. Mabilis na tinanggal niya ang headphone.

"Anong nangyari...sayo?" nagtataka nyang tanong

Malayo ang itsura nito nung huli silang magkita. Maga at namumula ang mga mata ni Hera. Nanlalalim rin at medyo magulo ang buhok.

"C-celestine..."

Kinabahan sya nang bigla na lang humikbi ang babae. Alangan nyang nilapitan ito at tinapik ang balikat.

"Bakit ka umiiyak?"

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon