CHAPTER FIVE

15.6K 370 75
                                    

CHAPTER FIVE

"He's not."

Hindi pa siya nagtatanong. Nagsalita na ang binata. Tila nabasa ang iniisip niya. Tumango-tango siya.

At least, it's not what she think na may ginagawang milagro ang binata at sekretarya nito. Ganun kasi ang mga nababasa nya.

"Get in." utos ng binata

Alexendris held the boy's hand before pulling him to sofa. Pinaupo niya ito doon. Nakamasid lang sya sa binata na binibilinan ang bata na wag lalabas ng opisina nya.

He's not bad at all. Isip-isip niya. Nakakatuwa na pagmasdan ito na magbilin na parang anak talaga nito ang bata. Why does she find it entertaining anyway?

Alexendris seems to notice na hindi sya pumasok kaya lumingon ito sa direksyon niya.

"Papasok ka ba o hindi?" masungit nitong tanong

She sighed mentally. Hindi ito masama pero sigurado syang hindi rin ito mabuti. Napailing na lang sya saka nilapitan ang binata at iniabot dito ang hawak na baunan na may pagkain.

"I'm not staying. May trabaho pa ako. Heto! Masarap yan kasing sarap ko kaya wala kang maire-reklamo."

Tumalikod siya kaagad pero hinawakan ng binata ang braso niya. Inihirap siya nito. Mariin syang napapikit.

Ito na naman sya! He's starting to piss me off again!

"Ano na naman?" naiiritang tanong nya

"Did I tell you to go? Dito ka lang sakin."

Celestine mentally cursed when her heart react wildly at his last sentence. Nag-iwas sya ng tingin sa binata.

"Dris?"

Sabay silang napatingin sa babaeng kakapasok lang. She's wearing executive suit. Celestine noticed an unreadable emotion in her eyes nang dumapo ang tingin nito sa kanya.

"Hera."

May something kaya sa kanila?

"Mama!" tawag ng bata sa babae

Lumapit ito at nagpakarga na sya namang ginawa ng babae na nag-ngangalang Hera.

"Pasensya kana kung naistorbo kayo ni Walter." saad nito

"H-hindi. Actually paalis na nga ako." hilaw siyang tumawa

Pasimple nyang hinila ang braso niya pero mas lalo lang atang humigpit ang pagkakahawak ni Alexendrie sa kanya.

"You're staying." mariin nitong saad

Sinalubong niya ang tingin nito at pinantayan ang matalim nitong mga titig. Naiinis na naman sya. Kailangan nya pang bumalik sa trabaho!

"Aalis ako." asik nya

Hinila niya ang braso pero ayaw talaga kaya pinaghahampas nya ang dibdib nito na nababalutan nya ng suot nitong black suit.

"Ano ba!?" nanggigil nyang sigaw. "Sabi mo pagkain lang. Bakit ayaw mo pa akong paalisin? Kailangan kong bumalik sa trabaho!"

"Leave us." mautoridad nitong utos kay Hera

Dahan-dahang tumango ang babae saka sila iniwan sa loob ng opisina nito. Nagulat sya ng bigla syang buhatin ng binata pero mas nagulat sya ng ibagsak sya nito sa sofa.

Bwiset!

Nasapo nya ang puwetan na nasaktan sa pagbagsak kahit pa malambot ang sofa. Alexendris took advantage of it. Tinungo nito ang pinto at nilock yon. He put the key in his pocket.

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon