CHAPTER TEN

12.1K 355 66
                                    

CHAPTER TEN

ILANG ULIT NYA nang nabatukan ang sarili. Inis na inis sya sa sarili dahil sa nangyari kagabi. Bakit wala man lang syang nagawa para makaalis doon? Para pigilan man lang sana ang kalandian ng lalaking yun?

Ngayon, ayaw nya nang lumabas. Ayaw nya nang makita ang mukha ni Alexendris dahil kapag nakita nya ito. Baka mapatay nya ang sarili sa hiya.

She also fear him, not because of what he can do, but because he is a man. If he didn't stop. Baka may nangyari na sa kanila.

"Kailangan kong umalis. Magkapakalayo-layo." usap nya sa sarili

Bumuo siya ng desisyon sa isip niya. Doon muna sya sa mga parents nya titira. Malayo-layo dito ang bahay ng mga iyon.  Magle-leave muna sya ng mga two weeks sa trabaho.

Siguro naman magsasawa na ang lalaki sa kakahanap sa kanya. One week na lang din naman at tapos na ang deal nila. Bakasyon niya na yung one week na yun.

Mabilis ang kilos niya habang nag-iimpake. Naasabi nya na sa mga magulang na uuwi muna sya. Si Van naman ang tinatawagan nya para magpahatid.

"Van!"

"What?... I'm driving..."

"May lakad ka ba? Pwede mo ba akong samahan papunta sa bus station. Uuwi muna ako kila papa. Please?!"

"Why do I feel like you're in trouble, again?..."

"Basta! Tulungan mo na lang ako. Bilisan mo. Baka maabutan nya ako!"

"Fuck! I swear Celestine. Hindi na kita tutulungan sa susunod... I'm coming..."

Kaunti lang naman ang inimpake nya kasi may mga damit na sya doon. Yung mga importante lang ang dadalhin nya. Lumabas sya ng kwarto dala ang bag.

Halos manigas sya nang may kumatok sa pintuan. Parang tatakasan sya ng puso niya sa lakas ng tibok nito.

Please...wag sana sya yan! Kahit ito lang!

She flinched nang mas lumakas ang katok kasunod ng isang boses.

"Open the damn door celestine kung ayaw mong hindi kita ihatid!"

Nakahinga sya ng maluwag. Binibit nya ang bag nang maayos nya ang cap at mask na suot saka lumabas.

"What the hell? Nakapatay ka ba?" tanong kaagad ni Van

She locked the door and ran in his car. Humabol na lang sa kanya si Van. Nang makaalis sila sa bahay nya. Doon lang sya nakahinga ng maluwag.

"Wew! Intense yun a."

"Sino ba ang pinagtataguan mo? Mukha kang kriminal!" Van

"Wala naman. Gusto ko lang umuwi. Namiss ko sila mama e." palusot nya

Nasira naman ang mukha ni Van sa sinabi nya. "You're lying."

"Wag kana magtanong. Di ka naman pala maniniwala." She said sarcastically

Isinandal nya ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata. Hindi sya nakatulog kagabi. Matapos nyang itulak si Alexendris at nagmamadaling umuwi sa bahay nya, hindi siya nakapagpahinga ng maayos.

It's a new feeling and it's haunting her

Mahigpit na yakap kaagad ang sumalubong kaagad sa kanya pagdating ng bahay. Ang mama nya lang ang minsang naiiwan sa bahay dahil laging nasa trabaho ang papa niya. Abala sa pagpapatakbo ng di kalakihang negosyo nila.

"Kamusta ma—aray!"

Napahawak sya sa ulo ng kaltukan sya ng mama nya. Mula sa pagiging maamo. Nanlisik ang mga mata nito.

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon