CHAPTER TWENTY ONE

10.7K 312 41
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

KAILANGAN NYANG PUMILI?

"Hindi ko gets. Paki-elaborate."

Bumagsak ang balikat ni Alexendris sa isinagot nya. Tumalim ang mga mata. Napipikon na naman.

"It's a simple question yet you can't understand?" asik nito

Pinagkros nya ang braso. "Bakit kailangan ampangit ng options? Ikaw o kalayaan ko? Ano yun? Preso ako sa piling mo? Ang baduy!"

"Damn it!" bulong ng binata saka pinanliitan sya ng mata. "Don't bother me then if you can't even understand what I am saying!"

Nagbaba sya ng tingin sa sahig. Hindi nya naman talaga maintindihan. Kung hindi niya iiwasan si Alexendris. Bibigyan sya ng dalawang options at iyon ay si Alexendris at kalayaan nya. Anong connect ng kalayaan?

"E kung umamin kanang gusto mo ko. Edi sana hindi iinit ulo mo." bulong nya

"I'm leaving."

Umangat ang tingin nya kay Alexendris. Tinungo ang sofa nya saka kinuha ang coat. Pinanood nya itong mag-suot. Nakaramdam sya ng lungkot.

"Aalis ka talaga?" tanong nya

May pakiramdam sya na bukas uli. Hindi na naman sya papansinin ni Alexendris. Tulad nga ng sabi nito.

"Yes."

"Iiwasan mo parin ako bukas?" ikalawang tanong nya

"Yes."

Tumalikod ito saka kinuha ang suit case. Hindi nya gusto kung paano umusad ang kwento nila. Ganon na naman? Kung hindi sya magpaparamdam. Hindi rin magpaparamdam si Alexendris?

"May nararamdaman ka ba sakin?" tanong nya

Natigil sa pag-aayos ang binata saka nilingon sya. Matapang na sinalubong nya ang mga bughaw nitong mata na blangkong nakatingin sa kanya.

"Gusto kong malaman. Kahit yun na lang pambawi mo sa lahat ng masasakit na sinabi mo sakin."

Sa pagkakataong to. Seryoso na sya dahil gusto nya talagang malaman kung may patutunguhan ba tong effort nya. Isang salita lang na kokompirma sa iniisip niya. Sapat na yun. Nakatitig lang sa kanya ang binata.

"I believed I already answered that question woman."

"Paano kung gusto rin kita? Iiwasan mo parin ba ako?"

Hindi inaasahan ni Alexendris ang sinabi niya kaya ilang saglit itong natigilan. Parang natulala. Umigting ang mga panga nito at nag-iwas ng tingin.

"Iiwasan parin kita...."

Kumuyom ang kamao niya. Ang sakit nun. Umamin na sya. Hindi nga lang direct tapos iiwasan parin sya!

"Kung ganon pinagtri-tripan mo nga lang talaga ako!" akusa nya

"Kung hindi mo lang din ako pipiliin. What's the sense of confessing? What's the sense of your feelings for me Celestine? Kung hindi mo ko kayang piliin?"

"Paano kung piliin kita?"

Mabilis na napatingin sa kanya ang binata. Mariin ang mga titig nito na may halo-halong emosyon. Bumilis ang tibok ng puso nya ng maglakad papalapit si Alexendris at huminto. Ilang dipa ang layo sa kanya. Nag-angat tuloy sya ng tingin dahil matangkad ito.

"You'll gonna be mine."

Lumunok siya. Parang natutuyo ang lalamunan nya sa sinagot ni Alexendris.

"Magiging....girlfriend mo ako?" lakas-loob nyang tanong

Bahagyang pumungay ang mga mata ng binata habang pinagmamasdan ang mukha nya. Medyo naiilang sya. Hindi nakakatulong sa magulo nyang isip!

"Yes."

Nagbaba sya ng tingin. Bakit parang nasa hot seat sya bigla? Kailangan nyang pag-isipan ang sagot nya pero sa tuwing nararamdaman nya ang mga titig ng binata. Natutuliro ang utak nya.

"Celestine..."

Pumikit sya ng mariin saka huminga ng malalim. Nagdadalawang-isip siya. Hindi nya gusto ang nasa isip niya pero yun ang tamang gawin ngayon.

"Pag-iisipan ko. Kailangan ko ng oras."

Kailangan kong mag-isip! Kailangan kong huminga muna.

Hindi nakakatulong kung ganito makatingin sa kanya si Alexendris. Parang hinihipnotismo siyang magdesisyon kung saan kasama ito.

Ilang segundong hindi umimik ang binata hanggang sa marinig nya ang pagbuntong-hininga nito.

"As you wish. I'm leaving."

Saka lang sya nag-angat ng tingin nang maramdaman nya ang mga papalayong yabag ng binata. Napaupo siya nang makalabas si Alexendris.

Sorry pero hindi tamang basta na lang magdesisyon. Kailangan nyang mag-isip ng mabuti.



TULAD nga ng sinabi ni Alexendris. Hindi talaga ito nagparamdam. Nangalumbaba sya sa lamesa. Kakatapos nya lang kumain ng tanghalian kaya tambay sya ngayon mag-isa dito sa opisina nila.

"Ayos ka lang?"

Hindi na pala sya mag-isa. Nababagot na tinignan nya si Stephen na may dalang fries. Sinenyasan nyang lumapit ang lalaki. Nang makalapit. Dumukwet sya ng fries.

"Penge ako ketchup."

"Anak ka ng may-ari tapos wala kang pambiling fries?" reklamo nito

Sinamaan nya ng tingin si Stephen saka kumuha pa ng maraming fries. Pinanliitan sya ng mata nito.

"Kapag ako naging may-ari. Pagmo-mop-in kita ng buong building!" Syempre biro lang yun

"Oh, heto pa. Marami pa to."

Umingos sya. "Ayoko na."

Napangalumbaba syang kumain ng fries. Malayo ang tingin niya dahil naisip na naman nya ang unggas. Talagang pinandigan na hindi sya papansinin.

"May tanong ako." tanong nya bigla

Lumingon sa kanya si Stephen na nakaupo sa bakanteng swivel chair at ngumunguya ng fries.

"Kapag ba may gusto ka sa babae. Makakaya mong iwasan sya?" tanong nya

"Iniiwasan ka? Di ka mahal nun."

Nanlisik ang mga mata nya. "Umayos ka ng sagot!"

"Syempre hindi pero kung kailangang gawin. Syempre oo."

"Hindi ko maintindihan."

Lumunok muna si Stephen bago sya sinagot. "Before that, may rason naman siguro kung bakit ka iniiwasan. It's either walang gusto sayo o meron pero may rason."

Nakuha nito ang atensyon nya kaya nakinig sya mabuti.

"Anong rason kaya?" medyo mahinang tanong nya

Nagkibit-balikat si Stephen. "Hindi ko alam. How am I suppose to know? Di naman kami magkaibigan ng kung sinong tinutukoy mo."

Bumagsak ang balikat nya. Di rin naman pala masasagoy ang tanong nya. Nadagdagan pa.

"Well, pwede mo namang malaman. May alam akong paraan."

"Talaga?" nabuhayan sya bigla

"Kung sigurado kang gusto, gustong-gusto o mahal ka nya. May isang paraan lang naman." saad ni Stephen

"Ano yun?"

"Iparamdam mo sa kanya na unti-unti mo na syang nakakalimutan. Kung may feelings sya sayo. Ikakabahala niya iyon. Baka sya pa mismo ang lumapit sayo."

Ilang segundo syang natigilan. Unti-unting nagsi-sink in sa utak nya ang sinabi ni Stephen. Malapad syang ngumiti.

Tignan ko lang kung di ka pa umamin Alexendris!

Tinapik niya ang balikat ng kausap.

"Sasabihin ko kay papa na taasan ang sweldo mo."

Lumaki ang mga mata ni Stephen. "Talaga?!"

"Oo. Kaso 300 lang."

#OplanPaamininSiAlexendris
😂😂😂

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon