C H A P T E R 25

3.2K 55 3
                                    

“Maupo ka Tristan, wala ang anak ko rito ngayon,” seryosong sabi ng ama ni Ellaine.

“You're the reason po why I came here, sir.” Kinakabahan niyang sagot at napalunok muna bago ipinatong ang attached case sa center table. Binuklat niya iyon at kinuha ang cheque na nagkakahalaga nang ibinayad nito noon sa kanya.

“Hindi ko po ginalaw ang perang ibinigay niyo sa akin noon, inilagay ko po sa bangko at gusto ko po sanang isauli sa inyo ito.” Nakatungo niyang sabi at itinulak sa harap ng matanda ang cheque.

“Bakit mo isasauli? Sa iyo ‘yan dahil nagawa mo nang maayos ang trabaho mo.” May pagtataka nitong sabi.

“Hindi po mapapantayan ng pera ang pag-aalaga at pagmamahal ko sa anak niyo sir, dahil wala pong kapalit iyon. Gusto ko pong magpasalamat ng personal dahil sa akin niyo po siya ipinagkatiwala noon. I really love your daughter, I would like to ask for your trust again. Panghabang buhay na tiwala po sana dahil habang buhay ko rin pong mamahalin ang anak niyo,” lakas loob niyang sabi habang nanginginig ang boses.

“Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”

“Yes sir, wala pong dahilan para hindi ako maging sigurado.” Buong tapang niyang sagot.

“Alam mo namang kapag nasaktan uli ang anak ko, kayang-kaya ko siyang bawiin sa 'yo.” Tumango siya.

“I know po, and I don't want that to happen again, sir.” Paliwanag niya sa matanda.

“I love my children and I really don't want them to get hurt, but if my daughter is happy with you again, magiging masaya rin ako. Ellaine is so precious to me kahit napakatigas ng ulo pero nagbago siya dahil sayo, ibig sabihin ay mahal ka talaga ng anak ko. Sino ba naman ako para hadlangan ang kasiyahan niya?” tanong nito at ilang saglit pa bago ngumiti.

“Thank you, sir.” Walang paglagyan ang kaligayahan niya dahil sa pagpayag nito.

“Ang pakiusap ko lang sa iyo, love my daughter more than I love her, hijo.” Umaliwalas ang mukha niya sa narinig, nakangiti pa rin sa kanya ang ama ni Ellaine kaya paulit-ulit siyang nagpasalamat.

“HOW IS IT, MS.GO?” tanong ng editor sa kabilang linya habang pinagmamasdan ang ilang pages ng samples na pinadala nito sa email.

Tumango-tango siya habang isa-isang tinitingnan. “Good, actually lahat naman pero I like this one para sa cover ng Magazine.”

“Alin po, Ms.Go?”

“I will send it to you,” sambit niya at tinapos na ang tawag. Lumabas siya sa opisina at dumeretso sa pantry area ng mga empleyado. Binati siya ng mga ito kaya ngumiti lang siya at dumeretso sa coffee maker.

“Puwede mo namang i-utos iyan sa mga office staff para hindi ka na lumalabas ng opisina mo,” sabi ng secretary ng kompanya nang maabutan niya itong nagkakape roon.

“Okay lang po, gusto ko rin makalabas-labas at huminga saglit.” Sagot niya at matapos makapagtimpla ng kape ay humigop siya at nakipagkuwentuhan saglit sa mga empleyado roon.

Bahagya siyang napangiti nang makita ang poster ni Tristan na nakapaskil sa isang sulok ng pantry kaya natutuwa siyang pagmasdan iyon.

“Don't smile at me like that, masyado ka na naman busy kaya namimiss na agad kita.”

Sabi niya sa isip at parang baliw na kinakausap ang poster ni Tristan.

She's totally healed at hindi niya rin naman talaga kayang tiisin si Tristan kahit palagi niya ito noong kinukulit na pirmahan ang divorce paper. Talaga nga sigurong hindi na mawawala ang pagmamahal niya sa lalaki. She really love him, pero bakit nga ba hindi pa siya nito tinatawagan? Masyado ba talaga itong busy?

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Where stories live. Discover now