“Uuwi na tayo bukas, I hope nothing's change pagdating natin doon,” sabi ni Tristan habang nakaupo kaming dalawa sa balkonahe, hindi pa kami inaantok kahit na buong maghapon kaming nasa dagat kanina.“Akin na ang cellphone mo,” napalingon ako at nagtatakang tumingin kay Tristan.
“Bakit?” tanong ko.
“Basta akin na, ipopost ko sa social media ang mga pictures natin dalawa. Matagal na simula nang mag-update ako roon, gusto ko naman ipakita sa mga tao na masaya ang marriage life ko.” paliwanag niya kaya napangiti ako.
“Sigurado ka ba?” tumango muna siya bago kinuha ang phone ko at inilipat sa phone niya ang mga pictures. Pagkatapos ay in-upload niya sa social media, pumili rin si Tristan ng isa para gawing profile pic.
Wala pang ilang segundo ay marami na agad naghearts at comments kaya natutuwa kaming magbasa dahil sa mga fans ni Tristan na puro comeback sa group ang comments.
“Tristan..” usal ko, napatingin siya sa akin.
“Nakakausap mo pa ba si Dad?” malungkot kong tanong.
“Hindi na, matagal na kaming walang contact sa isa't isa.” sagot niya kaya nakaramdam na naman ako ng matinding lungkot. Si ate kasi ay nagdeactivate na simula nang magmigrate sina Dad sa america, talaga nga sigurong kinalimutan na nila ako.
“Namimiss mo na sila?” tumango ako at biglang nangilid ang luha. Niyakap naman ako ni Tristan kaya tuloyan nang kumawala ang luha ko.
“I really missed my family,” sambit ko.
“It’s okay, alam kong namimiss ka na rin nila,” sagot ni Tristan habang yakap ako nang mahigpit.
“Ate Ellaine, kuya!” tawag sa amin ni Trisha kaya kumalas kami sa isa’t isa, humahangos siyang pumunta sa amin. “Bilis! Si ate Louie at si ate Ma-ri, na sa TV!” nagkatinginan kami ni Tristan.
“Ano ngayon? Panuorin mo kung gusto mo,” sabi ni Tristan sa kapatid.
“Sungit naman! Makaalis na nga!” reklamo ni Trisha sabay alis.
“Hindi mo ba sila panunuorin? Bakit parang affected ka? Is it because Louie is back?” tanong ko.
“Ang dami mo naman tanong, let's go to sleep.” nauna na itong tumayo at pumasok sa loob ng bahay kaya sinundan ko siya pero dumeretso si Tristan sa taas, napatigil naman ako nang makita si Louie at si Ma-ri sa TV kaya naupo ako sa tabi ni Trisha habang nanunuod.
“Where is the impowerment there if you don’t look at your fellow women equally Ms.Enrique?” sabat ni Ma-ri habang nagsasalita si Louie.
“Impowerment means, authority or power given to someone to do something. Kung kabit ka, hindi impowerment ang tawag doon, because instead of pulling your fellow woman up, you are the one who pulling her down! I’m not saying that you‘re a mistress so don’t get me wrong Ms.Kang Ma-ri,” panunudyo ni Louie.
“Excuse me, I’m not! And I'm not that kind of person,” depensa ni Ma-ri.
Kung may kakatwa man sa pinanunood ko, 'yon ay napansin kong napipikon si Ma-ri kay Louie. Tumayo na ako at hindi ko na rin tinapos ang talk show na ‘yon.
Naabutan ko si Tristan na natutulog na kaya tumabi ako sa kanya, naramdaman ko naman ang agad nitong pagyakap.
Iniisip ko si Louie, paano kung bumalik ang feelings sa kanya ni Tristan sakaling magkita sila? Sa totoo lang, gusto ko si Louie pero ayaw kong magkabalikan sila ni Tristan. Hindi ko yata kakayanin kapag bumalik na naman si Tristan sa dati niyang pakikitungo sa akin.

BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEverything she wants, she can get and that's Ellaine Go, the spoiled brat daughter of a Billionaire. She thought her life would be perfect like in fairytales when she owns Tristan and became with her. Ang lalaking iniidolo at kinababaliwan ng marami...