C H A P T E R 1

3.1K 60 3
                                    


“Tristan..” Louie whispered as I put my hand inside her swimsuit.

“No one sees us here, ano ba'ng kinatatakot mo?” hinila ko siya at niyakap nang mahigpit habang ang kalahati ng katawan namin ay nakalubog sa tubig.

Narito kaming dalawa sa resthouse kung saan malaya kong nagagawa ang gusto ko. Malaya ko siyang nahahawakan at nahahalikan nang walang nagkikislapang camera sa paligid. Si Louie lang ang babaeng gusto kong kasama habang inaabot ang mga pangarap ko. She’s the one I will marry when the day will come, she's my number one fan, supporter and the person who’s willing to wait and understand me.

Parehas lang kaming galing sa hirap at nagsisikap para unti-unting maabot ang pangarap. She sacrificed a lot for me, the opportunities and her dreams. She's smart and beautiful, puwede siyang maging International model but she choosed to stay beside me. Masaya naman kami kahit palagi ay patago kami kung magkita dahil hindi pwedeng malaman ng media at mga fans na may girlfriend na ako.
Kaya kong magtiis dahil umaapaw naman ang saya kapag magkasama kami ng ganito.

Louie closed her eyes and opened her lips to let my tongue in. Mariin ang naging halikan namin habang ang mga kamay ko ay gumagala sa makinis na likod ni Louie. Nang hindi na nakapagpigil ay binuhat ko na siya at umahon sa pool, naglakad ako papunta sa rest house habang buhat siya at hinawi ang sliding door para makapasok.

We went straight to the kitchen and put Louie down on the sink, kinuha ko ang strawberry sa ref at isinubo bago inilapit ang labi ko sa labi ni Louie. She smiled and wrapped her arms around my neck before biting the stawberry in my mouth at kinain iyon habang parehas kaming tumatawa dahil sa saya.

“Tuloy ka pa rin ba sa 18th birthday ng fan mo?” biglang tanong ni Louie kaya napabuntong hininga ako.

“Pumayag ang manager ko e, nakapagbayad na rin ang client kaya wala nang atrasan 'yon. Why? Are you mad?” nag-aalala kong tanong sa kanya dahil alam kong hindi siya sang-ayon sa ideyang iyon.

“Even if I get mad, I still can't do anything para pigilan ang boyfriend ko. Alam mo, nag-aalala lang naman ako na baka isang araw, maagaw ka sa akin ng mga fans mo na kayang-kaya kang bilhin,” nagtatampo nitong sabi at napapangiti ako dahil ang ganda niyang selosa.

“Alam mo ba na ikaw lang ang magandang babae sa paningin ko lalo na kapag nagseselos ka?” natutuwa kong sambit habang nakatitig lang sa magandang mukha ng girlfriend ko.

“H’wag mo akong bolahin,” kunwa'y inis nitong sabi.

“Totoo ‘yon, kontento na ako sa ‘yo.” seryoso kong sambit bago inilapit ulit ang labi sa kanya, nang maglapat ang mga labi namin ay napapikit kami parehas. Sinulit namin ang gabing magkasama kami dahil matagal na namang muli ang kasunod nito.

ELLAINE

“Ehem..” napalingon ako kay Dad na nakatayo sa likuran ko habang sinusukat ng designer at wardrobe assistant ang gown na isusuot ko bukas ng gabi sa 18th birthday ko.

“Advance happy birthday..” nang sabihin iyon ni Dad ay nag-iwas agad sa akin ng tingin kaya tuloyan na akong humarap sa kanya at lumapit para yakapin ito.

“Dad, thank you. Thank you for making me happy,” naiiyak kong sabi habang yakap ng mahigpit si Dad.

“You're my daughter at hindi ko matitiis na hindi magiging masaya ang birthday mo, you grown up my lady. I hope you also take care of yourself, goodluck on your birthday. Na-invite mo na ba lahat ng friends mo?” tanong nito kaya humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nahihiyang ngumiti.

“No Dad, Tristan will be the only one to attend my birthday tomorrow,” masaya kong sagot at talagang excited na.

“Si Tristan na naman,” malungkot nitong sabi bago nagpaalam kaya tinuloy na namin ang pagsusukat ng gown. Matapos ay umakyat ako sa itaas at pumasok sa kwarto.

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon