C H A P T E R 6

1.3K 38 0
                                    


“Sandali nga! I think I really know you. You’re the make-up artist in Tristan's group right?” tanong ng fan ni Tristan na nakatabi ko kanina sa VIP seats. Bigla na lang itong sumulpot sa comfort room para komprontahin ako kaya inis ko siyang hinarap.

“Pwede ba? Tantanan mo na ako! Hindi ako ‘yong tinutukoy mo, excuse me!” mataray kong sagot sa kanya at nilampasan ito pero napatigil ako nang pigilan niya ako sa braso.

“I'm really sure na ikaw ‘yon kaya h'wag mo nang itanggi! Ilang beses na kitang nakitang kasama ng mga staffs kapag may mga events ang grupo nina Tristan! So what are you doing here?” pamimilit nito kaya buong lakas kong i-winaksi ang braso ko para mabitawan niya dahil pinagtitinginan na rin kami ng ibang tao sa loob ng comfort room.

“Wala kang pakialam! Bakit ba inaalam mo pa kung sino ako? Ikaw? sino ka rin ba?” tanong ko sa kanya pero umayos ito ng tayo at sarkastikong ngumiti sa akin.

“Hindi mo ako kilala sa ngayon, pero malalaman mo rin kung sino ba talaga ako sa buhay ni Tristan.” mataray nitong sagot kaya napakunot-noo ako, kilala ko kasi siya dahil siya lang naman ang kaisa-isang VIP na pinaunlakan ni Tristan makasama sa birthday nito.

“H’wag mo rin akong pakialaman dahil hindi mo rin ako kilala. At isa pa, mas lalong hindi mo gugustohin kapag nalaman mo kung sino ako sa buhay ng idolo mo!” ganti ko kaya bahagya itong natigilan at ako naman ang ngumiti ng sarkastiko sa kanya. “I know isa ka lang namang fan na pinapangarap si Tristan, kung wala ka nang sasabihin aalis na ako,” nang hindi pa rin ito makakilos ay nilampasan ko na siya at lumabas na sa comfort room. Saka ko pa lang naramdaman ang panginginig ng tuhod, hindi ko alam pero natatakot rin ako sa babaeng ‘yon. Hindi ko rin maiwasang kabahan dahil sa mga sinabi niya.

Dumeretso na ako sa labas at pumara ng taxi, sakto namang tumatawag sa akin si Ma-ri kaya kahit medyo labag sa kalooban kong sagutin iyon ay sinagot ko pa rin.

“You know what’s your responsibility, right? Pero hindi ka man lang nagpaalam na hindi ka sisipot sa team! Sabihin mo nga, gusto mo ba 'tong pinasok mong trabaho?!” panenermon niya sa kabilang linya pero mas pinili ko na lang na manahimik.

“Sumagot ka Louie, I know naririnig mo 'ko! Bakit hindi ka sumipot kanina? Nagmeeting tayo, ang ganda ng pakiusap ko sa inyo! But you're the only one who didn't show up!” nagwawala nitong sigaw kaya napapakagat labi na lang ako. Alam ko namang mangyayari ito pero hindi ko kayang harapin sila ng personal.

“Sorry, h-hindi na mauulit.” sambit ko habang pinipigilang pumatak ang nangingilid na luha.

“Dapat lang! Because you'll know what happens kapag inulit mo pa 'to! I'll make sure you lose this job, Louie.” narinig ko na lang ang pagbeep ng phone habang paulit-ulit sa utak ko ang huling katagang sinabi ni Ma-ri.

Nagugulohan na ako sa kanya, hindi naman siya ganito dati. Close kami at minsan nag-out sa work para magnight out pero ngayon, sobrang nagalit siya. Alam ko naman, mali rin talaga ang nagawa ko kaya baka hindi lang matanggap ni Ma-ri na hindi ako sumipot kanina.

Napasandal na lang ako at pinahid agad ang nangilid na luha nang tumunog ulit ang phone ko. Nang mabasa ko ang text message na galing sa unknown number ay gusto ko nang itapon ang phone ko sa labas ng bintana ng taxi. Mahigpit kong hinawakan ang phone at napasubsob sa palad ko dahil hindi ko na rin napigilang umiyak. Bakit ba nangyayari 'to sa buhay ko!? Nang tumunog ulit ang phone ko at makita sa screen kung sinong tumatawag ay para akong nabuhayan ng loob kaya agad ko iyong sinagot.

“Magkita tayo, I want to spend the night with you Louie.”

TRISTAN

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon