5 years later
“Congratulation Tristan!” bati ng mga tao sa loob ng conference room kaya todo rin ang pasasalamat ko sa kanilang lahat bago lumabas sa silid na ‘yon kasabay ang personal assistant ko at ang mga body guards. Katatapos ko lang pumirma ng contract para sa mga big projects ngayong taon, at masasabi kong nakamit ko na ang tagumpay.
“After this, mayroon pa ba akong ibang appointment?” tanong ko sa P.A.
“Kailangan mong umattend sa Gym for-”
“Paki-cancel na muna,” putol ko.
“Okay, pero saan ho ba kayo pupunta?” pangungulit ng assistant ko habang naglalakad kaming lahat sa hallway ng entertainment.
“May importante akong lakad, akin na susi ng sasakyan,”
“Pero sir Tristan, hindi ka pwedeng magmaneho mag-isa,” nag-aalala nitong sabi.
“Kaya ko ang sarili ko, h'wag ka ngang masyadong OA,” agad naman nitong ibinigay ang susi kaya nauna na ako sa paglalakad papunta sa parking lot.
“H'wag niyo na akong sundan, hindi ako gagawa ng gulo,” agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon palayo.
Nang may madaanan akong flower shop ay bumili ako ng isang bouquet na white roses, at pagkatapos ay nagmadaling bumalik sa kotse dala ang mga bulaklak. Bumyahe ako ng mahigit dalawang oras hanggang sa makarating sa tabing dagat, hininto ko ang kotse sa tabi ng highway at bumaba dala ang bulaklak.
Naglakad ako sa malalaking bato at nang makarating sa pinakatabi ng dagat ay isa-isa kong hinagis ang mga rosas sa dagat hanggang sa maubos ito at naupo na sa malapad na bato habang tanaw ang malawak na karagatan.
“You don't know how much I miss you, I have achieved all I want and my dreams pero para saan pa ang lahat ng ito kung sa araw-araw na nagigising akong palaging may kulang sa buhay ko at kayo iyon ng Mommy mo anak,” nagsimula na namang mangilid ang luha ko dahil sa pangungulila sa kanilang dalawa.
“Patawarin niyo ako sa lahat ng mga pagkakamali at pagkukulang ko, alam kong masaya na kayo kung nasaan man kayo ngayon,” umiiyak kong sambit dahil hindi ko na napigilan ang matinding lungkot. Biglang humampas sa akin ang malakas na hangin kaya bumalot ang lamig sa buong katawan ko.
Sa puntong iyon ay mas lalo akong naging emosyonal dahil ramdam kong na sa tabi ko lang silang mag-ina. Matagal akong nakaupo roon hanggang sa mapanatag na ang loob ko at tumayo na rin para lisanin ang lugar kung saan malaya kong nailalabas ang mga nararamdaman.
Habang nagmamaneho ay tumawag sa akin si Louie kaya dumeretso ako kung nasaan ito ngayon. Dumeretso ako sa isang womens rehabilitation center, papasok pa lang ang sasakyan ko sa malawak na front yard ay nakita ko na agad si Louie. Agad niya akong sinenyasan kaya pagbaba ko ay lumapit ako sa kanila, hinabilin muna nito sa isang staff ang pasyente bago kami naupo sa isang bench.
“Kumusta ka na?” tanong niya sa akin.
“Eto, Im still trying to stand up and enjoy myself at work. Ikaw? Bakit kailangan mong manatili sa lugar na 'to? Sa totoo lang, alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong pumunta sa lugar na 'to. Ngayon lang dahil nahihiya na akong tanggihan ka pa,” paliwanag ko sa kanya.
“I understand, pero ayaw mo ba siyang makita?” napatiim ako sabay iling.
“Kahit matagal na panahon nang nangyari 'yon Louie, I still can't forgive her. Nawala ang dalawang mahal ko sa buhay nang dahil sa kanya. Sorry, but I'm not as kind as you,” masama ang loob ko at hindi pa rin mapigilan ang galit kay Ma-ri. “Sa totoo lang, kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon, karma niya na ‘yan kaya tanggapin niya,”

BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEverything she wants, she can get and that's Ellaine Go, the spoiled brat daughter of a Billionaire. She thought her life would be perfect like in fairytales when she owns Tristan and became with her. Ang lalaking iniidolo at kinababaliwan ng marami...