Habang inaayos ko ang mga gamit dito sa condo ay may sunod-sunod na nagdoor bell kaya wala akong nagawa kung ‘di buksan ang pinto.
“Surprise!” masayang bati nina Jihun at Wein, sumalubong sa akin ang sumabog na confettis kaya hindi ko na rin napigilang mapangiti.
“Buti naman at dumating kayo, kanina ko pa kayo hinihintay. Come in and help me to fix my things,” sabay talikod at dumeretso sa malalaking box.
“Hoy Ellaine, namiss ka namin kaya ka namin pinuntahan dito. Hindi para maging alalay mo huh,” mataray na sumbat ni Wein. “Saka bakit ba nagcondo ka pa e may bahay naman kayo?”
“Hay naku Wein, lagi ka na lang ganyan. Para kang imbestigador, ang dami mo laging tanong, can you please help me na lang? Hinihintay pa kasi namin si Dad to comeback before we fix our old house,” paliwanag ko habang si Jihun naman ay natatawa na lang sa amin ni Wein.
“And pagkatapos natin? Anong balak mo para sa welcome party mo?” pangungulit ni Wein.
“Kailangan ko ba magpaparty? Sorry guys pero I want to rest after this,” tanggi ko at binuksan ang isang kahon para ilabas ang mga bagong biling gamit.
“Oo nga naman Wein, kailangang magpahinga ni Ellaine, saka marami pa naman time para d’yan besides dito na ulit siya mag-i-stay,” sabat ni Jihun at tumulong na rin ilabas ang ibang mga gamit.
“Whatever, palagi naman kayo ang tama. Ano pa ang saysay ng pagkakaibigan natin kung palagi niyo akong kinukontra,” napacross arms si Wein at naupo sa sofa sabay ismid sa aming dalawa.
“Sige na, tumayo ka na d’yan para matapos na tayo at makapagclub na tayo mamaya. When Dad finds out we went to a club, I will blame you Wein,” pangongonsensya ko sa kaibigan, ngumiti naman ito at agad na tumayo.
“Okay, akong bahala kay tito,” sabi nito at tumulong na sa pag-aayos ng mga gamit. Tinulongan nila akong dalawa magbuhat ng mabibigat na gamit at pagkatapos naming ayusin ang condo ay naligo na ako habang naghihintay sa living room ang mga kaibigan ko.
Matapos magbihis ay binalikan ko ang dalawa na nanunood na ng TV kaya natigilan ako nang makita si Tristan na ini-interview sa isang talk show. Kinuha ko ang remote at inilipat sa ibang channel kaya napalingon sa akin ang dalawa.
“Magcartoons na lang kayo,” inis kong sabi sa dalawa.
“Excuse me, hindi kami bata para panuorin mo ng cartoons. Palibhasa affected ka na naman sa ex mo,” parinig ni Wein.
“Let’s go, I thought we were leaving. I'm hungry nagpabooked na ako sa restaurant,” tumayo naman ang dalawa at sumunod na sa akin palabas.
TRISTAN
“Happy Birthday Louie,” bati ko at ibinigay ang regalo sa kanya.
“Thank you Tristan, buti nakapunta ka,” sagot ni Louie.
“Salamat sa pagpunta dude,” Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ang makakatuloyan ni Louie ay ang lalaking nakita kong kasama niya noon sa Hotel.
Nakipagkamay sa akin ang boyfriend niya bago nila ako niyayang pumasok sa isang VIP room sa 5 star restaurant na ito. Nadatnan ko sa loob ang pamilya ni Louie kaya agad akong nagbigay galang sa Mama at Papa niya.
Todo asikaso naman ang mga ito at masayang nakipagkwentuhan sa akin. Sa totoo lang, namiss ko rin sila at ngayon lang ulit ako nabigyan ng pagkakataong mameet sila pero masaya akong hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nila sa akin gaya noong kami pa ni Louie. Ramdam kong namiss din nila ako kaya masayang-masaya ako na nakabonding ko ulit sila kahit magkaibigan na lang kami ni Louie.

BINABASA MO ANG
Forced Marriage to a Billionaire's Daughter
RandomEverything she wants, she can get and that's Ellaine Go, the spoiled brat daughter of a Billionaire. She thought her life would be perfect like in fairytales when she owns Tristan and became with her. Ang lalaking iniidolo at kinababaliwan ng marami...