C H A P T E R 9

1.3K 43 1
                                    

one year later..

“Ano nang pinaggagawa ng gago mong asawa matapos masira ang career niya?” tanong sa akin ni Wein habang na sa coffee shop kaming dalawa. Simula kasi nang kumalat sa media ang tungkol sa amin ni Tristan ay walang nagawa ang management nito kung 'di patalsikin si Tristan sa grupo kaya napilitan rin akong humanap ng trabaho. Mabuti na lang at tinanggap ako ng may-ari na ngayon ng dating kompanya namin noon na mamasukan sa kanila.

“Pagod na ako Wein, mas lalong lumala si Tristan,” reklamo ko at ininum ang kape sa tasa.

“Oh tapos, wala kang magawa kasi mahal mo?” sabat nito sabay ismid sa akin. “Ano ka ba naman Ellaine, kung ako sa ‘yo iwan mo na ang walang kwentang lalaking ‘yon. Tutal kaya mo nang buhayin ang sarili mo ngayon, h'wag kang magpakamartir!”

“Hindi ‘yon ganoon kadali, Wein. Asawa ko si Tristan,” sabat ko kaya natahimik saglit ang kaibigan ko.

“Girl siya nga pala, pauwi na raw si Jihun. He's staying here for good na,” masayang sabi ni Wein habang ako, wala pa rin gana. Bestfriend namin si Jihun at sa ibang bansa ito nagstay ng matagal para mag-aral doon ng college.

Matapos namin magkape ay nagkayayaan na rin kaming umuwi ni Wein. Wala si Tristan sa bahay kaya nagbihis na ako at isinalang sa washing machine ang uniform bago nagprepare ng hapunan.

Apartment na ngayon ang tinutuloyan namin ni Tristan dahil binenta na niya ang dati niyang rest house.

Matapos magluto ay kumain na rin akong mag-isa pero nabulabog ako nang may sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas kaya lumabas ako para buksan ang gate. Pumasok ang sasakyan ni Tristan at nakita kong lumabas si Ma-ri, binuksan nito ang kabilang pinto at inakay si Tristan papunta sa loob ng bahay. Lasing na lasing na naman kaya napabuntong hininga na lang ako at isinara ulit ang gate bago sumunod sa kanila.

“Can you get me a face towel and warm water? He's drunk,” utos ni Ma-ri, wala akong nagawa kung 'di sumunod na lang. Bumalik ako dala ang mga kailangan ni Ma-ri kaya agad nitong hinubaran at pinunasan ang nakahigang si Tristan sa mahabang sofa.

“Hindi ka pa ba aalis? Ako na ang gagawa niyan,” nakasimangot kong sabi.

“No, ako na. Isa pa, Tristan will look for me kapag nagising siya,” sabat nito.

“Really? Ano ba'ng mayroon sa inyong dalawa ng asawa ko? Why are you so concerned about Tristan?” iritado kong tanong kay Ma-ri pero tumayo ito at mataray akong hinarap.

“We're friends kaya natural lang na mag-alala ako sa kanya. Saka isa pa, it's all your fault why his career was ruined. Wala kang alam sa mga pinagdaanan niya, you ruined it all! Louie left him because of you! Tingin mo ba mahal ka ni Tristan? No! Hinihintay lang niyang ikaw mismo ang sumuko pero sadyang makapal lang talaga ang mukh-” dumapo na ang palad ko sa pisngi ni Ma-ri dahil sa sobrang galit.

“Shut up! You’re just Tristan’s friend kaya huwag mong masyadong kapalan ‘yang pagmumukha mo! I’m his wife and you still don’t have the right to tell me ‘that!” sumbat ko.

“Ellaine! Stop it!” parehas kaming napalingon ni Ma-ri nang bumangon si Tristan. Galit na galit itong nakatingin sa akin at tumayo. Malakas niya akong itinulak bago hinawakan ang kamay ni Ma-ri.

“Go home Ma-ri, ihahatid kita,” sambit ni Tristan at isinuot ulit ang damit.

“Tristan, you're drunk. Saka iniwan ko ang kotse ko sa bar para maihatid ka rito,” maarteng sabi ni Ma-ri.

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon