C H A P T E R 3

1.4K 46 0
                                    

“Mom, where's dad?” tanong ko habang pababa ng living room suot ang gown. Wala si Dad, wala rin si ate na akala ko ay uuwi man lang sa kasal ko. Agad kong natanaw si Tristan kasama ni Wein habang kaharap nila ang judge, walang ibang mga bisita at maski ang mga katulong ay pinag-day off muna dahil ayaw ni Tristan ng may nakakaalam sa kasal namin. Okay lang sa akin 'yon, dahil ang mahalaga ay magiging ganap ko na siyang asawa.

“Hayaan mo na ang Daddy at ang ate mo,” malungkot na sabi ni Mommy habang patuloy kami sa pagbaba sa hagdan. Nahuli kong nakatingin sa akin si Tristan pero agad din itong nag-iwas ng tingin. Nang makalapit kami sa kanila ay agad sinimulan ng judge ang seremonyas, napatingin ako kay Tristan na blanko lang ang mukha nang magpalitan kami ng singsing. Nang magtama ang mga mata namin ay kita ko ang poot at galit sa mga mata niya, ramdam ko ‘yon pero nagkunwari na lang akong hindi iyon napansin at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya.

Pumirma kami ng marriage contract kaya agad natapos ang wedding ceremony, napakabilis nang pangyayari. Sa totoo lang, hindi ito ang pinapangarap kong kasal pero okay lang dahil si Tristan naman ang napangasawa at magiging kasama ko habang buhay. Higit pa ito sa mga pinangarap ko.

Nang matapos ang permahan ng marriage contract ay seryosong humarap sa akin si Tristan.

“Kunin mo na mga gamit mo, we're leaving,” utos niya habang seryoso pa rin ang mukha, ni walang bakas ng kasiyahan.

“Agad-agad? Hindi ba pwedeng kumain muna tayo?” singit ni Wein sabay irap at hindi makapaniwala kay Tristan, maski ako ay nagulat rin sa desisyon nito.

“Bilisan mo, hihintayin kita sa labas,” nagbow muna si Tristan kay Mommy bago tumalikod at lumabas ng mansion.

“Ba't naman ang cold ng asawa mo?” mataray na tanong ni Wein, pero hindi ko siya pinansin at lumapit na lang kay Mommy.

“Okay lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya pero tumango ito bago tumalikod.

“Ipapakuha ko lang ang mga gamit mo,” sambit ni Mommy at tinawag ang mga bodyguards ko. Ilang saglit pa ay dala na nila ang mga luggages at dumeretso sa labas papunta sa sasakyan ni Tristan.

“Naku beshy, ingat ka na lang. H'wag kang mahihiyang tumawag sa akin kapag inapi ka ng lalaking ’yan, naku sinasabi ko sa 'yo hindi ako magdadalawang isip na patayin 'yan,” madaldal na sabi ni Wein habang naglalakad kami palabas sa mansion kasunod si Mommy.

“Tumigil ka na nga, hindi magagawa sa akin ni Tristan 'yon. He won't marry me if he doesn't love me, okay?” inis kong sabi kay Wein, napacross arms naman ito sabay iwas ng tingin sa akin.

“Okay sabi mo e,” usal niya, umismid naman ako sa kanya bago hinarap si Mommy.

“Mom, aalis na po kami.” paalam ko at humalik sa pisnge ni Mommy.

“Ingat ka roon ha, bibisita na lang ako kapag namiss kita,” malungkot nitong sabi kaya tumango ako bago sumakay sa kotse ni Tristan. Napatingin ako sa kanya nang buhayin nito ang makina ng sasakyan at paandarin agad palabas sa nakabukas na malaking gate.

“Teka lang, h-hindi ba natin isasama ang mga bodyguards ko?” tanong ko kay Tristan na seryosong nagmamaneho.

“Really? Hindi mo na sila kailangan. From now on, you don't need them,” seryoso nitong sabi.

“G-ganun ba,” matalim niya akong nilingon kaya para akong nanigas sa kinauupuan ko.

“Masaya ka ba?” seryosong tanong ni Tristan bago ibinalik sa daan ang tingin. “Sana masaya ka dahil nakuha mo na rin sa wakas ang gusto mo,”

“I'm really happy Tristan,” sagot ko.

“Ito ba talaga ang gusto mong mangyari?”

“Oo, ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay.” napailing naman ito habang ang isang braso ay nakapatong sa bintana ng sasakyan at ang isa ay sa manibela.

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon