C H A P T E R 24

2K 32 0
                                    


Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Tristan, walang gustong magsalita. The only music I could hear was the sea waves and strong winds. Nakaupo kaming dalawa sa buhangin habang nakatanaw sa kawalan ng madilim na dagat, napalingon ako kay Tristan nang kunin niya sa kamay ko ang divorce paper.

"Simula ngayon, ayaw ko nang makita pa 'to. Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba, can we start again?" seryoso niyang tanong sa akin at nilukot ang papel na 'yon at hinagis sa bonfire na malapit lang sa amin kaya bumalong na naman ang luha ko, pero sa puntong ito ay luha ng kagalakan.

Pinahid ni Tristan ang mga luhang umagos sa pisngi ko bago ako kinabig at inakbayan.

"Akala ko hindi na darating ang araw na patatawarin mo ako, iniisip ko na lang na ganoon siguro ako kasama para ipagtabuyan mo, para kasuklaman mo. I'm sorry if I almost gave up," naging garalgal ang boses nito habang nagsasalita kaya parang tinutusok ang dibdib ko.

"Let's forget that, and forgive me for what I did to you, alam kong nasaktan din kita. I don't want to cry, gusto kong maging masaya Tristan. Can we be happy now?" sambit ko, tumango si Tristan at naramdaman ko na lang na hinalikan niya ako sa buhok.

"I love you Ellaine, hindi man ikaw ang una kong minahal pero sigurado akong ikaw na ang huli. You are the best thing that has happened in my life and you're also the most painful," napakasarap pakinggan ng mga sinasabi ni Tristan, It feels like I have been completely healed, and the pain I have been carrying for so long is gone. Mahal ko nga talaga si Tristan, at hindi ako makapaniwalang mamahalin rin ako ng lalaking pinapangarap ko lang noon. Muli na naman akong naluha nang maalala, kung paano nagsimulang umusbong ang pagmamahal ko para kanya.

"You said you don't want to cry, why are you still crying?" tumatawang tanong ni Tristan.

"Masaya lang ako, pero kung may kulang man ngayon sa buhay ko, iyon ay ang pangungulila ko sa anak natin. Hindi man lang tayo nabigyan ng pagkakataong makita, mayakap at mahalikan siya, Tristan.. umiiyak ako dahil nalulungkot ako kapag naalala ko siya, ni hindi ko man lang siya iningatan noon, sana kasama natin siya ngayon."

"Shhh.. don't blame yourself. I know if our child sees us now, masaya na rin siya."

TRISTAN

"Okay na ba pakiramdam mo? Nag-aalala ako kasi baka sumakit ang ulo mo kaiiyak kanina," nag-alala kong sabi kay Ellaine habang naglalakad na kami pabalik sa rest house.

"Okay lang ako, thank you Tristan. Matulog ka na rin, let's meet tomorrow." parang bigla akong nalungkot sa sinabi ni Ellaine nang makarating kami sa tapat ng rest house namin. I actually want to spend more time with her.

"W-wala 'yon, matutulog ka na ba?" napapakamot sa ulo kong tanong.

"Maaga pa ako bukas, ikaw matulog ka na rin. Goodnight Tristan," ngumiti ito bago tumalikod at pumasok sa rest house nito, wala naman akong ganang pumasok na rin sa rest house ko.

Dumeretso ako sa banyo at agad na naligo. Nang makapagpalit ng pantulog ay kumuha ako ng beer in can sa ref, naupo sa kama at binuksan ang TV.

Nang maubos ang iniinum ay pinatay ko na rin ang TV pati mga ilaw, lampshade lang ang iniwan kong nakabukas bago nahiga sa kama. I closed my eyes but when I heard a knock I immediately woke up and got out of bed. Mabilis pa ako sa kidlat na nakarating sa pinto at nang buksan ko iyon ay nadismaya ako.

"What?" inis kong tanong, nakaloloko namang ngumiti sa akin si Kai habang pinagmamasdan ako.

"May inaasahan ka bang iba na kakatok sa pinto? Why do you seem disappointed?"

"Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong.

"Pahiram ng charger, hindi ko nadala iyong sa akin e. Lowbat na ako," sagot nito. "Ayaw mo? Okay kay Ellaine na lang ako hihiram," para akong nataranta sa sinabi nito.

Forced Marriage to a Billionaire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon