C H A P T E R 23

2.3K 58 1
                                    


“Na sa photoshoot na ba mga model natin para sa endorsement?”

“Kaaalis lang Ms. Go, kasama ang team. Tayo na lang ang hinihintay,” sagot ng assistant niya.

Isinuot niya ang sunglass habang naglalakad palabas ng building. Nang tumigil sa tapat nila ang kotse ay sumakay sila ng assistant sa passenger's seat at pinaandar na ulit ng driver ang sasakyan.

Matapos ang mahigit tatlong oras na biyahe ay ipinasok ng driver ang kotse sa isang beach resort, tanaw nila agad ang asul na dagat.

Maraming tao sa beach kaya nang itigil ang kotse ay agad silang bumaba ng assistant dala ang bag niya. Hindi naman sila nahirapang makita kung saan naka-set ang photoshoot dahil may mga taong nagkukumpulan, alam niya naman kung sinong dahilan.

Ang buwisit na si Tristan.

Nahawi ang mga tao nang makita siya kaya dumeretso lang siya sa paglalakad papunta sa production team, agad namang nagsibati ang mga ito sa kanya. Nakita niya si Tristan at Kai na inaayusan ng buhok.

“It would be better if we continue the photoshoot in a private place, there's so many people here. They're bothering us,” maawtoridad niyang komento.

Napasulyap ulit siya kay Tristan, he's wearing a white shirt na pinartneran ng blue checkered polo. Khaki short at black slippers.

Matapos itong suriin ay nalipat naman ang tingin kay Kai, napasinghap siya sa ayos nito. Suot ang simpleng blue shirt, black short at brown slippers pero ang nakadagdag sa appeal nito ay ang bandanang suot sa ulo. Napalunok siya bago nag-iwas nang tingin.

“Sige, simulan niyo na ang photoshoot. After that, we will move to the private Island for their next outfit as well as other beach camp accessories,” naupo na siya sa upuang ibinigay ng staff at pinanuod ang dalawa habang na sa harap ng camera.

Tanghali na nang matapos ang photoshoot, napakainit na sa beach kaya sa rest house nila hinintay ang team at sina Tristan. Nagpahatid na rin siya ng pagkain para sa lahat. Nang pumasok sa malawak na kubo sina Tristan at Kai ay agad naghubad ng damit ang mga ito. She couldn't stop herself from looking at Kai's back, It was soaked with sweat. Ang hot nito sa part na iyon habang si Tristan naman ay nagpupunas ng sarili nitong pawis kahit kasama ang personal assistant na nagpapaypay.

“Let's eat guys, marami pa tayong gagawin later.” Nagsimula namang kumain ang team at mga staffs. Kumuha na rin siya ng pagkain habang hindi sila nagpapansinan ni Tristan pero madalas niya itong mahuli na nakatingin sa kanya.

“Hi, kumakain ka nito?” biglang tanong ni Kai na hindi man lang niya namalayang na sa tabi na niya.

“No, it's hard to eat crabs lalo na kapag hindi nagkakamay.” Napatingin ulit siya kay Tristan habang tahimik lang na kumakain. “I mean puwede naman kung may maghihimay para sa akin,” dugtong niya at nginitian si Kai. Kumuha naman ito ng plastic gloves at kinuha ang hawak niyang plato para ilapag sa mesa.

“Wait, anong ginagawa mo?” tanong niya sa lalaki.

“Nilalagyan ka ng gloves, tuturuan kita kung paano kumain ng alimango,” nakangiting sagot ni Kai at kinuha ang kamay niya. Hindi na siya nakakilos pa nang isuot nito sa kamay niya ang plastic gloves.

“Let's eat?” naupo naman sila at tinuruan siya nito kung paano kumain ng seafoods. Na-i-enjoy niya naman dahil masayang kausap si Kai.

“Nagustohan mo ba?”

“Yes, it tastes like lobster pero mas masarap pala kapag pinaghihirapan.”  Sagot niya.

Inilagay naman ni Kai lahat nang nahimay nito sa plato niya kaya natutuwa siya habang kumain nang marami.

Forced Marriage to a Billionaire's Daughter Where stories live. Discover now