Chapter Twenty-Five

Start from the beginning
                                    

Humakbang siya at pumwesto katapat ko. Pero imbes na direkta sa mata ko ang kanyang tingin, dumulas ito patungo sa likuran ko, papunta kay Zyion.

Parang nag-slow motion sa harapan ko ang pagbuka ng kanyang bibig. There was a split-second that we just ligned up three—him, me, and Zyion—like an eclipse had suddenly happened, at kung ano mang klaseng eclipse iyon ay hindi ko na alam. Basta, dahan-dahan na lang kumurba ang kanyang bibig, mula sa hitsura niyang gustong humingi ng tawad hanggang sa tuluyang maibalik ang halimaw na umatake sa akin noong kailan lang.

Selos. Iyon ang lason na sumira sa aming dalawa. Selos.

"Kaya pala," sabi niya sa tonong nang-aakusa.

"Ryle," sabi ko sa tonong pagod na. "Kung ano man iyang iniisip mo, nagkakamali ka."

"Really? Iyang mesang may bote ng alak, itong halos mag-hatinggabi na, tapos kasama pa itong basketball player na kayong dalawa lang? Sinong ginawa mong tanga?"

Gusto kong hampasin ang mukha ko. Bakit ba ayaw niyang maniwala sa akin? Ganoon na ba katindi ang pag-aakala niya na adik ako sa mga lalaki at kung kani-kanino na lang nakikipagtalik?

"You're thinking it wrong—"

"No, I think I had it all right. Kaya pala ganoon ka na lang kadaling maka-move on dahil meron ka na agad na nakareserba? Ano, may pila ba sa kagaya mo? Ganoon na ba kaganda ang tingin mo sa sarili mo?"

Sinampal ko siya nang malakas.

Bumakat sa pisngi niya ang hapdi ng ginawa kong iyon. Napasinghap din ako matapos. Hindi ko inaasahang magagawa ko iyon, na parang kusa na lang gumalaw ang kamay ko.

I just couldn't allow him to accuse me of someone I'm not. I'm not a whore like what he thinks I am.

Zyion walked towards us. "At ano naman ngayon kung magkasama kami ngayon, ha, brad? Hindi ba't hindi naman talaga kayo? Huwag kang umasta na parang jowa mo itong kaibigan ko."

Nanigas ako sa narinig.

That sounded like a stupid response. Bakit iyon pa ang nasabi mo Zyion gayong nanggagalaiti na sa selos itong lalaking nasa harapan ko? He should have just said something else. He should have just pushed him out of the door, instead of adding more gas to the fire.

I didn't like this. Sa mga mata pa lang ni Ryle, mukhang alam ko na kung saan ito hahantong.

Sinubukan kong pumagitna sa kanila pero hindi iyon sapat. Ang unang sumuntok ay si Ryle, na siyang magiliw namang ibinalik ni Zyion. From the small proud smile in Zyion's face, it looked like he was looking forward to this, and that he came prepared to fight back. But Ryle didn't stop even though it's obvious that he doesn't have the advantage. He was just all fired up by his jealousy. Somehow, I think I had unintentionally conditioned him to be like that. Kagagawan ito noong panahong natutuwa ako na pinagseselos ko siya kay Zyion. I was just kidding back then. I didn't know that it would have contributed to this.

Tumili na ako nang malakas at nang mahinto silang pareho, na siyang ipinagpapasalamat kong nangyari. Nakatayo lang si Zyion habang ang napuruhang si Ryle ay bagsak sa sahig.

"Ano bang problema niyo, ha?" sabi ko, pero kay Zyion lang nakatuon ang atensyon ko. I appreciated it that he cared for me, but I didn't like how he acted against him. He didn't really have to do this!

"Kinailangan ko lang siyang gisingin sa katotohanan," paliwanag niya. "You suffered enough already. I just returned the favor."

Pero kung inaasahan niyang matutuwa ako sa ginawa niya, nagkakamali siya. "Umalis ka na muna, please," sabi ko sa kanya.

His Plastic DollWhere stories live. Discover now