Prologue

222 14 10
                                    

"Tita bat wala ka pang asawa?" inosenteng tanong ng pamangkin ko.

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa. Pati yung bata namomroblema na sa lovelife ko.

Binuhat ko siya at kinandong. Tiningala niya ako gamit ang inosenteng mga mata.

"Bakit mo natanong baby?" malambing na tanong ko,hinahaplos ang malambot niyang buhok.

Sumimangot siya sakin at tinuro ang mga pinsan niyang babae na naglalaro. "Eh tita gusto ko na po ng bagong pinsan. Nagsasawa na po ako sakanila." reklamo niya at sumimangot.

Di ko mapigilang makita ang sarili sakanya.

Ang mataba niyang pisngi,mas tumataba kapag nagpapout siya. Ang pinagkaiba lang namin ay mas matapang siya sakin.

"Soon,baby. Hahanap muna ng magiging tito mo si Tita,ha?"

Muka naman siyang nabuhayan ng loob at napangiti na bago magpaalam at tumakbo papunta sa nga pinsan niyang nagbabahay bahayan.

Si Angelo ang nag iisang lalaki sa magpipinsan, at dahil puro babae ang mga pinsan niya ay hindi siya makarelate sa mga laro nila.

Ganyang ganyan din ako dati. Ako lang ang nag iisang babae samin non kaya wala akong choice kundi makipagpatintero, payaw, jolens, at makipag espadahan at barilan sa mga kapatid at mga pinsan kong lalaki.

Nakangiti kong pinanood ang mga pamangkin na tinatalian na ng kumot si Angelo, ginagawan ng gown. Napanguso ako sa inggit. Lahat ng mga kapatid ko ay kasal na at may mga anak pa.

Kelan naman kaya ako magkakaanak at asawa?

Isang lalaki lang ang pumasok sa isip ko.

Agad akong umiling at tumayo para lapitan ang kapatid ko na pinapagalitan ang anak niya.

Hindi ko mapigilang matawa habang pinapanood si Boni na pinapagalitan ang anak. Ngayon alam na niya kung gaano sumakot ulo nila mama sakanya dati

"...ano ba kasing naisip mo at pinakain mo sa kaibigan ng mama mo yung pagkain ni Blacky?" pagalit ni Boni sa anak na si Gabriela na mukang kawawang bata na ngayon.

May imahe ng lalaki ang pumasok sa isipan ko pero mabilis ko dong winala yun.

Pinanood ko nalang ang pamangkin ko. Nakasimangot at namumula na ang makislap na mata pero hindi parin umiiyak.

Sa edad na tatlo,napakapilya na niya. Pilya at matatag. Hindi siya umiiyak kapag pinapagalitan siya,pag nadadapa naman ay kusang tumatayo. Kapag ayaw niya sa tao ay tititigan niya lang ito, hindi kikibuin o kakausapin.

Mas mabuti na yung ganon kesa naman sa mga batang kapag hindi gusto ang kaharap ay sinasagot sagot o kaya ay binabastos.

Nakakaproud lang dahil naturuan sila ng mga kapatid ko kung pano gumalang sa tao kahit na hindi nila gusto.

Mana siya kay Boni na pilyo,at kay Clara na may katapangan at kamalditahan.

"A-akala ko po dog din siya..." nanginginig ang boses na sabi ng bata,pahina ng pahina. "...sorry papa."

Nakita ko kung paano umamo ang muka ni Boni nang makita ang anak. Napabuntong hininga ito at kinarga na ang bata.

"Sa susunod wag mo na gagawin yun ah? Bad yon,anak."

Tumango lang si Gabby at niyakap ang ama.

Napangiti ako ng mapait,di maiwasang mainggit.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now