Chapter 20: masamang intensyon

Magsimula sa umpisa
                                    

“h-huh?”

Gusto kong mapangiti kasi alam kong kinakabahan sya and the fact na nagblush sya just because I asked him a certain question made me smirk.

I think I know who that Nicole is.

Vallerie Nicole Saavedra!

That sister of the Famous Chevy Saavedra.

“kapatid yan ni V noh?” nahihimigan ko ang pang-aasar sa boses ko but I don’t care.

Lumunok sya at pilit na nagtaas ng kilay.

“and so?”

Napangiti ako.

I didn’t see that coming. Ang inaasahan ko ay tatanggi sya at tatarayan ako dahil walang basehan ang mga paratang ko pero look at what he replied. ‘and so?’ so totoong si Nicole na kapatid nga ni V.

Hmmmm.

“alam ba nyang bakla ka?” diretsahang tanong ko kaagad at kagaya kanina, nakita ko muli ang gulat sa expression ng mukha nya.

“hindi”

namatay yung ilaw sa phone nya kaya dumilim na ng tuluyan ang paligid.

“may balak kang sabihin sa kanya?”

Matagal bago sya nakasagot kaya alam kong napaisip sya sa tanong ko.

“bat ba ang chismosa mo? Matulog ka na nga! Kaya ka tinatagyawat”

Nanlaki ang mga mata ko nung maalala kong may tumubo nga palang malaking tagyawat sa ilong ko.

Sumimangot ako bago pumikit.

I guess he’s right.

I must sleep bago pa madagdagan yung pimple sa tip ng nose ko.

At kung minamalas ka nga naman oh!

Nagising akong may tagyawat sa ilong and worse, may tagos ako sa kama!

Urrrrrrghhhhhh!

Bakit di ko naalala?

Tinatagyawat ako pag malapit na kong magka-mens.

Ang sakit pa ng puson ko.

Damn. Ayokong pumasok!

Ayokong pumasok pero heto ako’t nagbibihis na ng uniform ko. di pwedeng umabsent eh.

Atsaka, kaya ko pa naman kahit papano.

Tinignan ko yung wall clock at halos malaglag ang eyeballs ko nung makitang 7:58 na!!

When she entered Adonis Academy (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon