Entry 47

11 3 0
                                    

Dear Diary,

Ako muna ang magsusulat sa'yo ngayon dahil hindi pa gising si Maru. Ako pala si Jared ang boyfriend niya, nabasa ko lahat ng pinag-ku-kwento niya sa'yo, napansin ko puro tungkol sa akin. That girl really loves me. Diary ni Maru, sorry hindi pa siya nagigising hanggang ngayon, tatlong buwan na siyang comatose, dahil sa pagkakahampas sa ulo niya'y nadali ng husto ang kaniyang ulo, niligtas niya ako kahit napaka-pride kong tao.

I'm sorry if I failed as her boyfriend, I'm not a perfect one, at kapag nagising na siya'y babawi talaga ako. Today is our forth monthsarry, naghanda ako ng sopresa sa kaniya kahit pa hindi pa rin siya nagigising, nasa ICU pa rin siya hanggang ngayon, hindi ko siya iniiwan ha? Nakita kasi kita doon sa bag ni Maru kinabukasan nang mangyari sa amin 'yon nawili akong basahin ka. Wala na ang mga gagong 'yon, nasa kulungan na sila, mabuti na lang at dumating ang mga barkada ko nang gabing 'yon, sila ang nagligtas sa amin.

Ito na ako ngayon papasok sa kuwarto niya, may hawak na balloons, bulaklak at mga regalo kasabwat ko ang tiyahin niya of course si mama and mayroon pa ang isang pinakamalaking himalang nangyari nang nakaraang buwan, nakita na namin ni Anika, natagpuan pala siya ng isang magsasaka at kinupkop ito ng mahigit sampung taon, nawala ang alaala nito kaya hindi kaagad siya nakabalik sa amin. Gayunpaman masaya ako na bumalik na siya at hindi na ako makapaghintay na ipakilala siya kay Maru.

Pinasabog namin ang dalawang confetti at lumapit ako sa kaniya upang halikan siya sa noo, I don't want to take her first kiss saka na kapag pumayag na siya, I respect her with all my heart. Kinantahan kami ng lahat ng Happy Monthsarry, I also blowed the candle at kahit hindi ko birthday ay nag-wish ako na magising na siya. Nakatitig lang ako sa kaniya habang hawak ko ang kaniyang mga kamay.

Nagulantang ako nang gumalaw ang hinliliit niya, tinawag namin kaagad ang Doctor at agad na sinuri siya. ‘This is a miracle, she will be probably waking up one of these days.’ sinasabi pa lang 'yon ng Doktor nang unti-unti ay nagmulat ang kaniyang mga mata. Hindi ko maipaliwanang ang sayang nadarama ko. ‘J—Jared.’ mahinang sabi nito at saka hinaplos ang mukha ko. ‘I love you so much babe.’ naiiyak kong sagot, ngumiti siya sa akin at kahit mahina pa ang boses niya ay narinig ko ang pagsabi niya ng ‘I love you too.’

Road to forever,

-Jared

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now