Entry 45

11 2 0
                                    

Dear Diary,

Isa, dalawa tatlo. Pagmulat ko ng aking mata, umaga na pala naramdaman ko kasi ang mainit na dumadampi sa akin, mula pala sa haring araw nasa tapat ako ng mataas at maliit na bintana. Nakagapos ang mga kamay at paa, may busal sa bibig at napapalibutan ng higit sa tatlumpong ulo ng mga patay na pusa, sa akin ang tingin nilang lahat. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang kaba ko. Nasaan ba ako? Dinukot ba ako? No it can't be, walang pang-ranzom ang Tita ko, wala nga 'yong pang-load para sa porn addiction niya. B— baka naman may plano silang i-gang-rape ako? Mygosh. No, kay Jared lang ako.

Nakuha ko na agad ang punto dinukot nga ako, ng mga 'di kilalang lalaki na puro itim ang kasuotan at may pulang maskara at may naka-print na mukha ng pusa sa damit nila. Bakit ang hilig nila sa pusa? Hindi kaya sila rin 'yong nananakot sa akin noon pa? Wait what? Ano bang rason nila? Napapikit na lang ako ng mariin nang maramdaman ang pagkulo ng sikmura ko, gutom na gutom na ako. Jared nasaan ka na ba? Wala ka ba talagang pakialam sa akin? Napaiyak na lang talaga ako habang iniisip 'yon.

Ilang sandali pa'y may narinig akong yabag, bahagya akong nasilaw sa liwanang nang may nagbukas ng pintuan na hindi ko maaninag na mayroon pa lang pinto dahil sa sobrang dilim. Naka-itim siya, from shirt to boots at higit sa lahat may pulang maskara ito, babae rin siya. Babae? Bakit naman kailangang malagay ako sa ganito. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. She maintained 1 meter distance from me, nangalumbaba pa ito, nakita ko ang ngisi na gumuhit sa labi nito. Napansin ko ang nunal nito malapit sa upper lip niya, kilalang-kilala ko kung sinong may nunal na ganiyan, pero hindi ako makapaniwalang siya, bakit naman niya ginawa sa akin 'to? At ano bang kasalanan ko sa kaniya? Ngayon kuha ko na, masyado akong tanga para balewalain, hindi mapansin at pagdudahan siya noon pa lang.

‘Anong kailangan mo sa akin?’ tinatagan ko ang loob ko.

‘I don't need something from a cheap girl like you, I just wanted simple things.’

Hindi nga ako nagkamali boses pa lang, halatang-halata na.

‘And what is that?!’ nagpupuyos sa galit kong tanong.

‘Just wanted to see you beg and cry for yourself.’ aniya at tumayo na umalis na nang tuluyan.

Expect the unexpected,

-Maru

Diary Ng MarupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon