Entry 16

10 3 0
                                    

Dear Diary,

Kinabukasan, hindi ko na nakita ang pagmumukha ni Jethro sa paligid, kagaya ng sinabi ko ayaw ko munang makita siya, ang gagu lang kasi na umamin siyang gusto niya ako kahapon. Alam kong nagbibiro lang 'yon, isasama niya lang ako sa mga babaeng pinaiyak niya eh. ‘Good morning Maru.’ pagbati sa akin nitong seatmate ko na hindi ko nga alam ang pangalan. ‘Morning.’ bagot kong sagot at saka naupo na. Hindi pa ako nakakaayos ng upo nang biglang tinawag ako ni Marina 'yong class President naming kulang sa aruga. ‘Bakit?’ tanong ko.

‘May tumatawag sa'yo sa labas.’ aniya at saka ako inirapan, dzuhhh feeling war freak hambalusin ko mukha niya ng dustpan eh. Lumabas ako Diary, at nakita ko sa may gilid ng corridor si Jared, nakapamulsa at chill lang. ‘May kailangan ka Sir?’ tanong ko, bumaling siya sa akin. ‘Call me Jared, wala na tayo sa bahay.’ utas niya, humalukipkip ang braso nito at saka ako hinarap.

‘Date me.’ sabi niya,

Nalaglag ang panty,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now