Entry 36

9 2 0
                                    

Dear Diary,

Today is my first day bilang girlfriend ni Jared. And guess what? I'm more than excited, gusto kong makita ng mga nagsabing assuming ako dati dahil lang sa sobrang pagkagusto ko kay Jared, gusto naman pala ako pinatagal pa. Nagbihis na ako dahil papunta na siya dito para sunduin ako. Diary, alam mo ba? May pinag-awayan na naman kagabi, tinanong ko lang naman kung hindi pa siya tuli, siyempre nagbibiro lang naman ako, I never expected that he'll take that as a serious matter ang ending ako ang sumuyo. “Mag-be-break din kayo.” dinig kong sabi ng large intestine ko, kahit kailan talaga bitter ang kinginang organs ko na 'to, guys ito pala ang hidden and unique talent ko, naririnig ko lahat ng sinasabi ng organs ko sa akin, I can even read their own point of views. Kbyethnkpoex.

Oh papasok na ako Diary ha? Bantayan mo si tiyang, naaadik na talaga 'yan ng sagad sa porn hindi na mabuti 'yon sa kaniya. Lumabas na ako dahil narinig ko na ang pagbusina ni Jared. Paglabas ko pa lang bumungad na sa akin ang gwapo, matikas at maaliwalas niyang mukha, ang bango pa niya. Inamoy ko muna kung mabaho pa hininga ko, hindi na siguro sampung beses kong inulit mag-sipilyo kanina e, kinindatan niya ako bigla Diary, mygosh ang gwapo niya talaga, mainggit kayo please.

Binuksan niya ang pintuan at saka siya na rin ang nagkabit ng seatbelt ko, omg sobrang maugat ang mga kamay niya. ‘Ang ganda mo.’ sabi na naman niya, na-spoiled na talaga ako sa mga compliments niya. ‘Siyempre guwapo boyfriend ko hihihi.’ marupok kong sabi, napangisi naman siya. Pinaikot na nito ang susi at saka pinaandar na ang sasakyan, napansin ko sa keychain niya ang ang naka-imprentang pangalan, may kalumaan na rin ang keychain na 'yon at gawa pa sa kahoy. ‘Anika.’ 'yon ang nakalagay. Ito na naman 'yong feeling na gustong-gusto kong magselos pero natatakot akong sabihin sa kaniya at the same time nahihiya rin.

Anika? Sino ka ba talaga?

Selos na selos,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now