Entry 34

9 2 0
                                    

Dear Diary,

Pagbukas ko ng cellphone ko, bumungad sa akin ang mga text messages ni Jared na napakarami, maski missed calls umabot ng isang daan. Umagang-umaga bad trip ako, ghinost niya ba naman ako kahapon, saka, may Anika pang involved. Ano re-replyan ko ba? Malamang oo. Marupok nga ako 'di ba? Maya-maya pa'y nag-vibrate na na naman ang cellphone ko, tumatawag siya. ‘Hello.’ pambungad niya. ‘Oh? Bakit buhay ka pa ba? Good morning ha?’ sarkastikong sagot ko. ‘Look, Maru, I'm sorry okay.’ aniya. Kabwiset, isang sorry niya lang bibigay na ako tapos kung mang-ghosting siya wagas. ‘Okay, sige bati na tayo.’ pagsuko ko. Hindi ako marupok, medj lang po.

Nagbihis na ako at pumasok na ng school, nang nasa tapat na ako ng gate ay nadatnan ko 'yong dalawang kaibigan ni Jared 'yong mga may kulay ng buhok. ‘Bakit?’ sabi ko dahil sinenyasan nila akong lumapit raw. ‘Sa rooftop sabi ni Jared.’ sagot nila at saka na tumakbo paalis. Ano bang ganap sa rooftop? Napakamot na lang ako ng ulo at dumiretso roon. Pagtapak ko sa pinakahuling hagdan bago maabot ang rooftop ay sumabog na ang isang confetti, bigla ring tumaas sa ere ang tarpaulin kung saan may nakasulat na ‘I'm sorry’ with matching sad face pa. Napabaling naman ako kay Jared na nasa gitna at naka-pout. May hawak rin siyang bulaklak, at 'yong mga kaibigan niya ay nagsimula nang kumanta.

Lumapit sa akin si Jared, nang magkatapat na kami ay hinapit nito ang baywang ko, dahilan para magdikit ang aming mga katawan, naramdaman ko 'yong ano — pagmamahal niya. Megesh. Tinitigan niya ang mga mata ko, hinawi niya ang buhok na nakaharang sa aking mukha. ‘Ang ganda mo talaga.’ papuri niya. ‘Sorry pala kahapon ha? Bigla kasing nagkaroon ng emergency.’ dagdag pa niya. ‘Okay lang, naiintindihan ko naman.’ untag ko, kahit alam kong si Anika ang dahilan ay mas pinili ko na lang manahimik. ‘Ang bilis mo namang patawarin ako.’ ngumiti pa siya. ‘Marupok ako sa'yo eh.’ hagikgik ko.

‘Hayaan mo, mahal naman kita e,’ saad niya saka nito hinalikan ang aking noo. Meged, geyz petere nemen keng peene kemelme hende ne pe eke mekehenge.

Ehem label,

-Maru

Diary Ng MarupokDonde viven las historias. Descúbrelo ahora