Entry 14

11 4 1
                                    

Dear Diary,

Pagkatapos ng trabaho ko kila Jared, nagpaalam na ako at maaga akong uuwi ngayon, tambak na ako sa labahan at wala naman akong aasahan sa tiyahin ko. Dahil pagod ako sa whole day duty ko, napag-isipan kong i-treat ang sarili ko. Isa pa, 'yong Anika talaga ang ikinasasama ng pakiramdam ko, naiisip ko tuloy wala na akong pag-asa kay Jared.

Pumasok ako sa isang Milk tea Shop. Maraming tao, actually first time kong pumasok sa ganitong place. Lumapit ako doon sa may front desk. Tumingala ako sa mga pagpipilian sa itaas, ang favorite kong flavor ay 'yong chocolate kaya 'yon na. ‘Isa pong chocolate.’ sabi ko doon sa babae na mukhang coloring book ang mukha. ‘Ano pong sugar level Ma'am?’ tanong niya saka may pinipindot sa kanilang iPad. ‘Type AB miss.’ sagot ko. ‘Ma'am, sugar level ang tinatanong ko hindi blood type.’ giit pa niya, nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. ‘Hindi ka ba pamilyar sa kasabihang Costumer's are always right?’ panlaban ko. ‘Ma'am iba sa kaso ninyo, kasi sugar level ang tinatanong ko, hindi blood type.’ napangiwi siya.

‘Jusko, shunga lang teh? Bahala ka na nga doon na lang ako sa labasan bibili na lang ako ng palamig. Ano bang klaseng shop 'to? Mga shunga ang staffs.’ pagtataray ko, at saka nag-walk out.

Badtrip ngayong araw,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now