Entry 38

8 2 0
                                    

Dear Diary,

Saturday. May duty ako kay Jared kaya agad akong pumasok sobrang tuwa ng mama niya niyakap pa niya ako, tuwang-tuwa siya dahil bagay na bagay raw kami ni Jared. ‘Dapat magaganda at gwapo mga apo ko ha?’ sabi niya, 'di ba excited nang bongga? tumango na lang ako medyo nahiya talaga ako ng kaunti. Hindi pa gising si Jared kaya nagluto muna ako ng breakfast niya, ayaw ko naman siyang gisingin dahil ayaw niya nang ganoon.

Naupo muna ako sa tabi ni Ma'am Veronica na nagbubuklat lang ng magazine. ‘Alam mo, I remember myself and Ronnie sa inyo ni Jared.’ panimula niya. ‘Sino po si Ronnie?’ tanong ko. ‘Ronnie is my husband, ganiyan na ganiyan kami noon we're teenage sweethearts na kalaunan ay nagkatuluyan rin.’ paliwanag niya, nagtaka naman ako dahil never  ko pa nakita ang papa ni Jared. ‘Nasaan po siya?’ curios kong tanong. ‘He died on a plane crash, together with my only daughter.’ dagdag pa niya. Nagulat naman ako roon, it means may kapatid si Jared? Akala ko only child lang siya. ‘Totoo po Ma'am?’ hindi makapaniwalang usisa ko.

Umayos siya ng upo, lumungkot rin ang mukha nito. ‘They died about ten years ago, my daughter's body is still missing right now, pero, nawalan na ako ng pag-asa. I hate myself for being so hopeless na baka may chance pang mahanap ang bangkay ng anak ko.’ aniya, lumapit ako sa kaniya at niyakap ko ito, medyo naiiyak na rin kasi siya. ‘Jared is still waiting for her until now, he's still waiting for his baby sister.’ naluluhang utas niya.

‘You know what Maru? I heard him again last night, screaming his sister's name on the middle of his sleep. I feel very sad, I've been telling him that he should've not overthink about it, it might affect his future.’ pasaring pa nito. ‘But, guess what? Wala, he's still waiting for Anika. He's still waiting for her baby sister.’

Anika? Anika? Anika? Oo, kapatid siya ni Jared? After all this time, pinagseselosan ko kapatid ni Jared? Why naman ganoon?

Maling hinala,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now