Entry 30

11 3 0
                                    

Dear Diary,

Dumating nga kami sa venue, sa mismong bahay nila. Marami ng mga tao, inalalayan ako ni Jethro sa paglalakad, todo ayos siya sa gown ko kapag natatapakan ko. Napaka-gentleman niya, para kaming a-attend sa red carpet, marami ding camera ang sumalubong sa amin. Todo pose ako ano? Siyempre makapal nga mukha ko 'di ba? Pumunta nga kami sa isang vacant table sa harapan, pagtingin ko sa tabi namin, naroon sila Jared at mga kaibigan nito masama ang tingin sa amin pareho. Problema ng mga 'to? Hindi ko na lang sila pinansin, kahit pa crush na crush ko si Jared hindi ibig sabihin n'yon everyday niya na lang mapapalaglag panty ko. Sobrang guwapo niya rin tonight, pero final, si Jethro muna ang priority ko, kasi siya ang sumundo sa akin, inasahan ko kasi na siya kanina 'yong parating pero hindi.

Nag-start na ang party, tapos na rin sa welcome address 'yong seatmate ko, in fairness she's so pretty tonight malayo sa babaeng kulangot sabay punas sa ilalim ng upuan namin sa school ang awra niya ngayon. Isa-isa na rin siyang isinayaw ng mga 18 roses, nagpaalam si Jethro sa akin nang magpunta siya sa harapan, ngumiti na lang ako. Isinayaw rin siya nila Jared at 'yong mga kaibigan nito. Isa-isa na ring tinawag ang mga 18 candles para magbigay ng messages sa kaniya. Ako pa 'yong naunang tinawag. Tumayo na ako dahil sa kaba ay muntikan akong matapilok pagtayo, mabuti na lang sinalo ni Jethro 'yong baywang ko. ‘Thank you..’ ngumiti ako sa kaniya, ganoon rin ang ginawa nito, napatingin naman ako kay Jared na umiinom na? Seryoso? Nag-iinom siya?

‘Good evening everyone, especially to our debutant. I just want to say, happy happy birthday may you have blast, may you achieve all your dreams in life, we're far from being best friends but, still thank you for being there especially when we are having an exam on mathematics.’ napatawa ang lahat pati 'tong debutant. ‘Ayon lang, sana maging successful ka, sana maraming blessing na darating sa buhay mo. God bless you and more power.’ panapos ko, pumalakpak naman ang lahat. Bumalik na ako sa upuan ko, pero nagtataka ako wala rito si Jethro, pati sina Jared.

Bigla akong kinabahan, tinanong ko 'yong mga ibang bisita nagtungo raw sila sa may backyard, nagpunta naman ako roon narating ko na ang dulo ng bahay, medyo madilim na rin. Nakita ko sila sa may backyard, walang ilaw roon tanging liwanag lang ng buwan ang makikita. Lalapit sana ako nang makita kong napakadaming lalaki roon. Si Jared at Jethro, mukhang mag-aaway silang lahat. Shete. Anong gagawin ko? Siyempre, kailangang kong awatin sila, nakakahiya naman sa debutant dito pa sila gagawa ng gulo. Kamuntikan pa akong matapilok pagkababa ko ng semento, tumakbo na ako papunta sa gitna nila, nagulat silang lahat, nagulat rin ako sa hawak nila Jared na tubo at mga malalaking piraso ng kahoy.

‘Anong nangyayari dito?’ tanong ko. Napangisi lang si Jared, mukhang lasing na siya namumula na kasi ang mukha nito. ‘He's asking me for a fight.’ matipid ngunit matinong sagot ni Jethro, bumaling ako kay Jared at sa mga kaibigan nito na masama ang timpla ng mga mukha. ‘Jared, kapag lasing ka na. It would be better if you go home, magpahatid ka na sa mga kaibigan mo.’ untag ko, hindi siya umimik, tinitigan niya lang ako mata sa mata, may halong galit 'yong mga titig nito. ‘Jared, listen, kapag lasing ka tapos mag-isa kang nagmamaneho pauwi, baka mapaano ka.’ pag-aalala ko. ‘Then drive me home.’ anito.

Nagulat naman ako sa isinagot nito. ‘Hindi ako marunong mag-drive, alam mo 'yan.’ sagot ko. ‘Saka lang ako titigil kapag, uuwi ako nang kasama ka.’ matigas na sagot nito. Mariin pa akong napahilot sa batok ko. ‘Jared, nandiyan naman mga kaibigan mo, saka kapag mag-da-drive ka nang lasing baka madisgrasya tayo.’ pangamba ko. ‘Hindi ako lasing.’ pagmamatigas niya. ‘Jethro?’ tumingin ako sa kaniya at saka tinanong. ‘It's okay, just go with him.’ pagpapaubaya niya. ‘Are you sure?’ pag-uulit ko, tumango lang siya, lumapit na ako sa kaniya at saka siya niyakap.

Pagkatapos n'yon ay hinila na ako ni Jared, palabas ng bahay. ‘Jared.’ pagtawag ko sa kaniya. ‘Let's go home, please.’ parang bata nitong wika. ‘Okay, let's go home.’ ani ko, ‘Can you hug me too?’ pasaring niya habang naglalakad kami pareho, napatigil ako. ‘Hug? Why?’ curios kong tanong. ‘Basta, I just want your hug.’ dala siguro ng alak ay bigla siyang naging isip bata, marupok ako sa kaniya e, paanong humindi ako? Niyakap ko nga siya, bumaon ang mukha nito sa dibdib ko, pakiramdam ko sobrang saya ko tonight.

‘Next time, huwag na kasing maglalasing.’ sermon ko sa kaniya, sinuklay ko rin nang marahan 'yong buhok niya. ‘Ang ganda mo.’ narinig kong sabi nito, bago humiwalay sa yakap namin at hinawakan ang kamay ko.

Nagmamaganda,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now