Entry 10

14 4 2
                                    

Dear Diary,

May Science and Math Fair kami ngayon, walang klase pero magkakaroon pa rin ng checking of attendance. Pumasok ako dahil may mga activities rin naman. Pagpasok ko pa lang may mga nagrarambulan ng mga kaklase ko, may dalawang nag-aaway dahil inagaw daw nu'ng isang kaklase ko 'yong boyfriend nu'ng isa. Naiinis ako Diary, hindi man lang sila nahiya, bagsak na nga sila sa lahat ng subjects mga jowa pa nila ang inaatupag. Mga gaga lang. Mabuti na lang marupok lang ako.

‘Hoy, nag-check na kayo ng attendance?’ tanong ko dito sa seatmate kong 'di ko nga alam ang pangalan. ‘Hindi pa.’ sagot niya sabay nguya nu'ng kinuha niyang kulangot sa loob ng ilong niya. Diary, sanay na ako sa kaniya kaya okay lang kahit pa mag-shave siya ng pubic hair sa harapan ko ayos lang.

Nang matapos na ang checking of attendance, lumabas na ako at pumasyal sa iba't-ibang booth. Meron pa 'yong booth na free taste sa mga cupcakes kaya ang ginawa ko inubos ko lahat 'yong nasa mga stands. Dzuhhh, free taste 'yon ano? Kutusan ko magreklamo kung mayroon man. Lumipat ako kaagad sa kabila, doon naman sa may free taste ng new size of hotdog. Habang kumakain ako niyon ay hindi ko namalayang may humigit sa isang kamay ko at nilagyan 'yon ng posas. Nabitawan ko 'yong kinakain kong hotdog. Mga gagu, sayang masarap pa naman.

‘Gagu! Bitawan niyo ako!’ pagpupumiglas ko, dalawang lalaki ang kumakaladkad sa akin. ‘You're under arrest, sumama ka na lang.’ anito. ‘Gagu! Hindi ako nagbebenta ng shabu! Pakawalan niyo ako!’ sigaw ko. Pero huli na Diary, dinala nila ako sa isang booth. Particular isang —wedding booth. Tinanggal nila 'yong posas at itinulak ako sa loob, sabay sara ng pintuan.

Naroon naman sa loob ang isang kunwaring pari at si J—Jared. Mga gagu! Tama pala na sumama ako sa kanila, tamang desisyon ang ginawa ko. ‘Ikaw?’ gulat na tanong sa akin ni Jared. ‘Oo ako nga hehehe.’ sagot ko. ‘Kayo'y maupo na at magsisimula na ang kasal.’ utos nu'ng pari. Napakamot lang ng ulo si Jared. Pero, naupo rin.

‘Hehehe Father puwede bang kiss the bride na agad?’ suhestyon ko.

Diary, mygosh hanggang ngayon kinikilig ako, ikinasal kami ni Jared. Kahit kunwari 'yon ay okay lang.

Bride ni Jared,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now