Entry 32

9 3 0
                                    

Dear Diary,

Tuesday. Maayos na ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako, naglalakad ako ng tahimik sa pasilyo ng school nang marinig ko ang hiyawan ng mga estudyante, swear, may gwapo na namang nadaan. ‘Girl! Mygosh sino bang haharanahin nila Jared?’ ’Oo nga, as in sobrang swerte ng girl kung sino man 'yon.’ ‘OMG si Jared talaga he's so handsome parang gusto ko na lang siyang asawahin.’ ilan lang 'yan sa mga chika na naririnig ko sa mga dumaraan. Si Jared? May haharanahin, baka ako 'yon? Mygosh. Hindi lang ba ako marupok? Assumera din ba ako?

Tsk. Para malaman ko dumiretso ako roon, nadatnan ko sila sa loob ng gym nasa gitna ng court lahat silang magkakaibigan nakahawak si Jared ng gitara at 'yong iba may balloons, flowers at tarpaulin may nakalagay na “Say yes.” Napalunok ako, nagtama ang mga paningin namin ni Jared, rurupok na ako teka lang. Nakatitig lang sa akin si Jared, hindi ko namamalayan na lumalapit na pala siya sa akin. Napapikit na ako at pinagsiklop ko ang aking labi. Narinig kong kumakanta siya ng ILYSB by Lany hindi ko alam pero parang gustong tumalon ng puso ko? Kilig na kilig na kilig na ako Diary, kung alam mo lang. Mas lalo pang lumakas 'yong mga sigawan.

Naramdaman ko na lamang na hinawakan niya na 'yong dalawang kamay ko, naglalakad na kami pareho pero nakapikit pa rin ako naghihiyawan kasi ang lahat nakakahiya baka sabihin nila malandi ako. ‘Open your eyes.’ aniya, napalakas 'yon may microphone kasi siya. ‘Hello, guys! This is Maru, and she's the girl I never expected whom I fell for, hindi ko alam pero para kasi siyang tanga pero cute sa paningin ko?’ saad niya, nakatitig lang ako sa kaniya. ‘She's so kind and hard working too, ang galing niya rin magluto. I fell in love with the whole her, nasa kaniya na ang lahat.’ dagdag pa niya. Nananaginip lang ba ako? Sinampal ko ang sarili ko, hindi nga, totoong nangyayari 'to ngayon?

Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod, binuksan niya 'yong box na may maliit na ring, ‘Can I court you?’ tanong niya, mas lalong lumakas ang sigawan ng lahat. Medyo naiiyak na rin ako sa saya, matagal kong hinintay 'to, I can't believe this will be happening, crush ko lang siya since Grade 7 kami and now he's asking me if he can court me, this is far from what I've expected, pero wala pa lang imposible basta marupok ka. ‘Y—yes..’ saad ko, isinuot niya 'yong singsing at saka ako niyakap ng napakahigpit hindi lang 'yon, binuhat niya pa ako.

Sana lahat,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now