Entry 21

11 3 0
                                    

Dear Diary,

10:30 A.M pa lang ang duty ko kanina kay Jared, may mga kailangan na lang i-finalize para sa failing subject nito at ipapasa na niya lang bukas. Nasa kuwarto ako ngayon at nakatunganga, si tiya naman nandoon sa sarili niyang kuwarto nanonood ng porn, treat niya daw kasi 'yon sa sarili niya dahil tapos na siya sa mga gawaing bahay. ‘Maru!’ tawag ni Tiya, kinalampag pa niya ang pintuan ko kaya napilitan akong buksan 'yon. ‘Bakit ho?’ naiinip na sagot ko. ‘May manliligaw ka sa labas.’ sabi nito sa akin. Alam ko prankster ang tiyahin ko, ilang beses niya ng ginawa sa akin 'to, minsan pa sabi niya nandiyan daw sa labas si Park Hyung Sik, aligaga naman akong lumabas pero pinagtawanan niya lang ako habang nasa likod ko siya. Hindi na ako naniniwala sa kaniya this time.

‘Tiya, kung wala kang magawa, enough na sa prank okay?’ bulalas ko, pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Drama nito. ‘Meron nga, mukha ba akong joker?’ pagtatanggol pa niya sa sarili. ‘Scammer ka ho,’ iritado kong sagot. ‘Bahala ka, wala akong pakialam kung iiwan ka nu'ng guwapong manliligaw mo sa labas.’ nag-walk-out na siya. Inis na inis akong lumabas ng kuwarto.

Totoo na pala ngayon ang sinasabi ng tiyahin ko, si —Jared nakaupo sa may sala at may hawak na bulaklak. Mygosh ano ito? ‘Para sa akin 'yang bulaklak?’ tanong ko kaagad sabay turo pa sa sarili ko. ‘Hindi, ibibigay ko 'to kay mama kapag dumaan tayo sa bahay, dumaan muna ako rito para sunduin ka.’ dahilan niya. Medyo napahiya ako roon Diary, ‘Bakit saan ba tayo pupunta?’ tanong ko. ‘Magsisimba, inaya ako ng mga kaibigan ko e, hindi naman papayag si Mama kasi hindi kita kasama baka raw gumala na naman ako hanggang gabi.’ rason niya. ‘Ganoon ba? Sige magbibihis lang ako saglit.’ nginitian ko lang siya, tumango lang naman ito.

Nagbihis lang ako mga 10 minutes at saka na lumabas. ‘Done?’ tanong nito, tumango lang ako at saka lumapit sa kaniya. Naka-dress kasi ako ngayon, 'yong color peach na regalo sa akin nu'ng Christmas Party at saka naka-ipit ang buhok at lagay ng kaunting lipstick na expired. ‘Bakit?’ tanong ko sa kaniya, dahil hindi pa rin siya tumatayo at nakatitig lang ito sa akin. Hindi na ako assumera this time, Diary totoo talagang nakatitig siya sa akin. ‘U—uhh, I changed my mind this is for you, I'll just buy one for Mama when I got home.’ aniya at saka iniabot ang bouquet ng red roses.

Kalma ako lang 'to,

-Maru

Diary Ng MarupokWhere stories live. Discover now