Entry 3

32 4 1
                                    

Dear Diary,

Nagkaroon ng punishment ngayon sa mga hindi naka-black-shoes, kung ayaw mong maglinis ng cr puwede ka namang magbayad ng 1,500 sabi nu'ng SSG officer sa amin. Mukha niya ano? Sa taba niyang 'yon alam ko kinukurakot niya mga students fund. Naglinis na lang ako, no choice kasama ko rin 'yong seatmate ko na kagaya kong bagsak sa math, hindi ko kasi alam ang pangalan niya. Hindi ko actually alam lahat ng mga pangalan ng classmates ko. Hindi ko na 'yon trabaho ano?

Ang hirap Diary, nagkuskos ako ng mahigit sampung kubeta inabot ako ng 5 hours, medyo madilim na rin noong pinauwi kami, wala rin akong dala na payong. Ito namang seatmate ko na hindi ko nga alam ang pangalan panay ang pagkulikot sa loob ng ilong sabay punas ng kulangot sa may ilalim ng armchair, ganoon din naman ako, I don't find it wrong, 'yong iba nga diyan nahuli kong may ka-sex sa loob ng cr dito pa mismo sa loob ng campus, narinig ko rin na ginawa nila iyong position na 69 akala ko number lang 'yon, but little did I know it's also a way to reach heaven.

Nang umuwi na kami, biglang bumuhos ang malakas na ulan, grabe basang-basa 'yong blouse ko, bakat na bakat na rin ang nipples ko dahil nakalimutan kong mag-bra. Nakatayo lang ako sa gitna ng field, mukha na akong tanga pero hinihintay ko na dumating si Wang So, 'yong nasa Scarlet Heart para silungan ako at yakapin, dapat ako rin si Hae So. Hindi ko akalain na may darating din pala, habang nanginginig na ako sa matinding lamig may payong na biglang umeksena.

May lalaking naka-leather jacket ang nakahawak roon, tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating sa gate pagdating namin noon nilingon ko siya. Siya pala si —Jared. Kamuntikan ng malaglag ang panty kong walang garter. Sabi ko sa kaniya 'Thank you, you're my savior' tapos ang sagot niya; 'May bayad 'yon akin na 50 pesos.'
Okay na 'yon basta siya 'yong savior ko Hihihi bakit ba?

Jared is my savior,

-Maru

Diary Ng MarupokTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang