Entry 1

61 6 12
                                    

Dear Diary,

Maaga akong pumasok ngayon dahil siyempre magpapapansin pa ako sa crush ko. Si Jared Evangelista, soccer player siya. Alam niyo ba kapag nakasuot siya ng uniform nila? Sa baba ang tingin ng lahat, siyempre pati ako.

Sinadya kong dumaan sa may field, pansamantala ko munang hiniram 'yong expired na lipstick ng tiyahin kong adik sa pornhub, pagtitiisan ko na lang 'to kaysa sa wala ano, hiniram ko din 'yong bagong bili niyang panty sa divisoria kahapon, 'yong panty ko kasi wala ng garter.

Iniipit ko pa 'yong mahaba kong buhok sa may tainga ko, para maging flashy naman sa paningin ni Jared.

Kaso, Diary, pagdating ko sa may field. May kamukbangan siya, nagmu-mukbang sila nu'ng Dionisia, 'yong pangit na leader ng cheering squad ng school, hindi naman sa nanlalait ako, I'm just telling the truth, feeling strong at war freak pa 'yang bruha na 'yan. Kung alam niya lang na ako ang gusto ni Jared ano?

Sayang ang beauty ko today, mabuti na lang napansin ng mga construction worker at guard kanina ang beauty ko, panay ang titig nila sa akin.

Hindi pinansin ni Jared,

-Maru

Diary Ng MarupokOnde as histórias ganham vida. Descobre agora